Monay (125)

“UOD?’’ nagtatakang tanong ni Mam Cath kay Joem.

“Yes. Uod. ‘Yun ang magandang term sa mga taong gustong manira ng magandang pagsasama ng mag-asawa.’’

“I don’t understand, Joem.’’

“Mamaya ko na ipapa­liwanag, Cath. Mag-lunch tayo sa paborito nating sea­food restaurant at ikukuwento ko sa’yo ng buo kung bakit nasabi kong uod ang aking nakausap sa phone.’’

“Ikaw talaga pinasasabik mo pa ako. Puwede nga­yon na? Kahit kaunting inpormasyon lang, honey.’’

“Mamaya na. Mas ma­kakapagkuwento ako sa’yo nang may feeling kapag nasa isang private place tayo.’’

“Babae ba ‘yung tumawag?’’

“Yes. Natatandaan mo ba ang writer ng broadsheet na sumulat ng life story ko?’’

“Oo.’’

“Siya ang kausap ko kanina?’’

“Anong koneksiyon niya at bakit mo sinigawan? Na­rinig ko ang pagsigaw mo, Honey at na-bother ako. Hindi ka kasi ganun. First time kong narinig na sumigaw ka.’’

“Hindi ko napigil ang sarili Cath. Sinabihan na naman ako na kaya kita pinakasalan e dahil sa yaman mo? Pera mo lang daw ang hangad ko.’’

“Sino ba ang babaing ‘yun at nagsalita siya ng ganun?’’

“Palagay ko nasaktan siya nang magpakasal ako sa’yo.’’

“Bakit siya masasaktan?’’

“Mayroon siyang gusto sa akin. Hindi niya matanggap na ikaw ang pinili ko.’’

Hindi makapagsalita si Mam Cath.

“Sinabi ko sa kanya, mahal na mahal ko ang babae na aking pinakasalan. Wa­lang kasingbait ang pinakasalan ko na hindi tulad niya. Lalo siyang nasaktan at nagbanta na lagi siyang tatawag. Iyon ang dahilan kaya ako nagtaas ng boses.’’

“Ano ang name ng babaing iyon, Honey?’’

“Trishia.’’

“A yes natatandaan ko ang byline niya. Paano mo siya nakilala?’’

“Classmate namin siya ni Monay nung high school.’’

“Talaga? Parang nahu­hulaan ko na, Honey. Nun pa, may crush na sa iyo Trishia at hindi mo siya pinapansin. Tama ba ako.’’

“Parang ganun na nga siguro, Cath.’’

“Kaya nagpuputok ang butse niya ngayon ay dahil ako ang pinili mo at ‘di siya.’’

“Exactly.’’

(Itutuloy)

Show comments