_ngayon
^

True Confessions

Monay (59)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Bakit kaya siya ipinatatawag ng matandang dalaga? May nagawa kaya siyang mali? Sunud-sunod ang mga pag-oobertaym niya nitong mga nakaraang araw dahil sa mga pinata­tapos na report. Baka dahil sa sob­rang antok niya noong isang gabi ay mali ang na­­gawa niya? Pero bakit ang matandang dalaga ang magpapa­tawag sa kanya at hindi ang kapa­tid nitong big boss? Baka out of town ang big boss at take over muna ang matandang dalaga.

Kinakabahan si Joem nang magtungo sa opisina ng matandang dalaga. Inihanda na niya ang sarili sa sermon at mga masasakit­ na salita na sasabihin ng ma­tandang dalaga. Kung paga­galitan siya nito, hindi siya sasagot o mangangatwiran. Naniniwala siya na laging­ tama ang boss. At wala naman siyang magagawa dahil ito ang boss. Basta aamen lang siya nang aamen at tapos. Ito ang unang pagka­kataon na makakausap niya ang matandang dalaga.

Bahagya siyang kumatok sa pinto ng nakasaradong­ room. Nakarinig siya ng boses­ mula sa loob, “Come in, please.’’

Binuksan niya ang pinto.

“Good morning Mam!’’ bati ni Joem sa matandang dalaga.

“Good morning,’’ ganti nito sa marahang boses. “Maupo ka, Joem.’’

Nagtaka si Joem. Kilala na pala siya ng matandang dalaga. Sa dami ng empleyado ay kilala siya nito.

Naupo siya nang marahan sa silyang nasa harapan ng table ng matandang dalaga. Nasulyapan niya ang isang bar ng makapal na glass na may naka-engrave na pangalan: CATHERINE TORRES.

Catherine pala ang pangalan niya.

Napansin ni Joem ang di­yaryo na nakapatong sa mesa nito.

“Nabasa ko ang story mo sa diyaryo, Joem. Ikaw pala ‘yun. Makulay pala ang buhay mo. Ang galing mo naman! Nakaka-inspire!’’

Hindi agad nakuha ni Joem ang mga sinabi ng matan­dang dalaga o ni Catherine. Saka lamang niya naalala na isinulat nga pala siya sa diyaryo ni Trishia.

‘‘Salamat Mam. Hindi ko pa po nababasa ang nasa diyaryo,’’ sabi ni Joem na halatang napapahiya sa puri ni Catherine.

Dinampot ni Catherine ang diyaryo at ipinakita kay Joem ang article.

“Eto ang story mo o.’’

Sinulyapan ni Joem.

“Dati ka palang vendor ng fishball.’’

“Opo Mam.’’

“At ayon dito, sa pagtitinda mo ng fishball ay nakapagtapos ka ng pag-aaral?’’

“Opo Mam.’’

“Ulilang lubos ka rin at mag-isang namumuhay, totoo ba?’’

“Totoo po.’’

“Humahanga ako sa mga taong katulad mo. Paano mo nagawa at nalampasan ang lahat?’’

Hindi makasagot si Joem at nakatingin lamang sa ma­amo at magandang mukha ni Catherine. (Itutuloy)

DALAGA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with