Alupuihan (196)
Nang umuwi kinagabihan si Hani ay marami itong dalang pagkain – lechong liempo, pansit, sinigang na bangus, pork sisig, pakbet, menudo at mga panghimagas na halayang ube at leche flan.
“Ang dami namang pagkain nito, Hani? Birthday mo ba?’’
“Hindi Kuya. Kakainin natin sa hapunan.’’
“Napakarami! Saan mo binili ang mga ito?’’
“Sa opis kasi Kuya ay mayroong babae na nagtitinda ng pagkain. Masarap siyang magluto. Nagpaluto ako.’’
“Ganun ba?’’
“Kaya puwede na tayong kumain, Kuya.’’
“Puwede na. Nagsaing na nga ako e.’’
“Sige at magbibihis lang ako Kuya.’’
“Hindi na ba masakit ang paa mo?’’
“Hindi na Kuya. Nakaya ko nang bitbitin ‘yan.’’
“Oo nga ano. Mabigat din ito.’’
Pagkabihis ni Hani ay kumain na sila. Napakaraming putahe.
“Hindi ko alam kung ano ang uunahin kong kainin,’’ sabi ni Cris.
“Unahin mo Kuya ang sinigang na bangus. Mainit pa ang sabaw. Masarap ‘yan.’’
“Ah oo.’’
Kumuha ng sinigang si Cris.
Tinikman.
“Masarap nga! Tamang-tama ang asim.’’
“Eto namang liempo at pakbet ang uunahin ko,” sabi ni Hani.
Masaya silang kumain. Masarap nga ang mga ulam.
“Baka hanggang bukas e meron tayong ulam. Ipaiinit lang,’’ sabi ni Cris.
“Oo Kuya. Wala naman akong pasok bukas kaya ako ang magpapainit.’’
“Talagang hindi na masakit ang paa mo, Hani?’’
“Hindi na Kuya. Mabilis na nga akong lumakad.’’
“Huwag mong pupuwersahin at hindi pa ‘yan gaanong gumagaling.’’
“Oo Kuya. Mahirap nga kapag may masakit sa katawan.’’
“Kaya dapat talaga mag-iingat tayo palagi. Mahirap ang maysakit.’’
“Mag-iingat na talaga ako Kuya.’’
ISANG araw, nilinis muli ni Cris ang mga kuwarto. Nilampaso niya ang sahig para mawala ang alikabok. Kahit sarado ang mga bintana ng kuwarto ay pumapasok pa rin ang alikabok.
Nang nililinis na niya ang Room No. 4 na dating inokupa ni Gretchen, nangilabot siya sa nakita sa madilim na sulok ng room: mga alupihan!
Bakit nagkaroon na naman ng mga alupihan dito?
(Itutuloy)
- Latest