Ahas sa garden (312)
Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) - November 10, 2019 - 12:00am

“ANO nga bang name mo?’’ tanong ng la­laki habang nanunuring nakatingin kay Brenda.

“Brenda!’’

“’Yung totoo.’’

“Brenda nga!’’

“Wala kang alyas? Yung mga babaing nakilala ko may mga alyas e.’’

“Hindi uso sa akin ang alyas.’’

“Okey. Ako naman si George.’’

“Ano ba ang tungkol di­yan sa sinasabi mong pagkakaperahan?’’

“Idedeliber mo lang ang ecstacy sa isang pag-uusapang lugar at sure na ang pera. Bawat hatid, pera agad --- hundred thousand!’’
Nag-isip si Brenda. Ngayon lang niya papasukin ang ganitong gawain. Kaila-ngang kumita siya nang malaki para makabalik sa dating pamumuhay. Hindi kaya ng “pagpuputa” ang nakaugalian na niyang karangyaan.

“Madali lang ang gagawin mo Bren, iti-text sa iyo kung saan mo pipik-apin ang ecstacy at ganundin kung saan mo idedeliber. Walang kahirap-hirap, pera na!’’

“Hindi ba delikado?’’

“Hindi. Walang kasabi-sabit ang ecstacy ‘di gaya ng bushab na masyadong mainit na ngayon. Itong ecstacy ang bagong pinagkakaguluhan ngayon.’’

“Ano ba yang ecstacy? Di ba pampa-“L” yan.’’

“Hindi mo pa ba alam ‘to?” nakangiti si George.

“Itatanong ko ba kung alam ko.’’

“Party drugs ito. Mabentang-mabenta sa mga kabataan. Kapag naka-take, nandun ang pleasure, energy, at kung anu-ano pang magagandang naiisip.’’

“Parang droga na rin.’’

“Parang bushab nga.’’

Nag-isip si Brenda.

Kailangan niyang kumita.

“Ano Bren? Madali lang ito. Kayang-kaya mo.’’

Tumango si Brenda.

(Itutuloy)

AHAS SA GARDEN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with