Ahas sa Garden (85)

SINUBUKAN ni Manang na tawagan muli si Sir Nath para maisumbong ang ginagawa nina Brenda at Alexis na sa hula niya ay nasa loob na ng kuwarto at nag-uulayaw.

Pero nadismaya si Manang sapagkat “out of coverage area” pa rin ang number ni Sir Nath.

Ilang beses pa niyang dinayal at nagbakasa­kali. Pero wala talaga. Mukhang malayo ang kinaroroonan ni Sir Nath.

Malakas ang kutob ni Manang na nasa kuwarto na sa itaas ang dalawa at nagpapasasa. Talagang hindi tumigil si Brenda hangga’t hindi natitikman si Alexis. Pinagpilitang makatikim ng bata at nangyari na nga.

Muling nagbalik si Manang sa bintana at sumilip doon. Nagulat siya nang makita roon na lumalangoy na si Brenda sa swimming pool. Sa­an nagpunta kanina ang ma-landing babae at biglang nawala. At nasaan kaya si Alexis? Bakit hindi niya makita si Alexis. Humaba na ang leeg niya sa pagdungaw pero hin-di niya makita si Alexis.

Hindi naman siya ma­kapunta sa pool at baka kung ano ang iutos sa kanya ni Brenda. At baka pagalitan siya ni Brenda. Baka isiping namboboso siya.

Pinalampas ni Ma­nang ang may isang oras.

Nang wala na si Bren­da sa pool, saka siya nag­tungo roon para ha­napin si Alexis.

Dahan-dahan siyang naglakad

Hanggang makita si Alexis sa gilid ng pool.

“Alexis!”

“Bakit Manang?’’

“Halika rito at may itatanong ako!”

(Itutuloy)

Show comments