Ahas sa Garden(74)

“IKAW kasi Manang, kung hinayaan mo akong magtungo sa kuwarto niya e di sana hindi ikaw ang gagawa sa swimming pool. Inutusan mo pa akong natapilok at napilay,’’ sabi ni Alexis na parang sinisisi si Manang.

“Naligtas ka naman sa kasalanan. Kung nagtungo ka roon at bigla kayong naabot ni Sir Nath habang mayroong gi­nagawa e di dedbol ka na ngayon.’’

“Ang lawak ng imagination mo Ma­nang. Paano ako ma­dededbol e wala naman kaming gagawin dun kundi uutusan lang ako ni Mam Brenda.’’

“’Yun ang akala mo. Hahatakin ka sa impiyerno ng babaing yun. Ibubukangkang ang petsay niya at si­yempre ikaw naman ay matatakawan at yun na. Nang puntahan ko nga ay manipis na manipis ang suot --- walang bra at panty. Ano ang ibig sabihin nun? Bubukaka na lang pagpasok mo.’’

Napaumis lang at napailing-iling si Ale­xis. Pero naalala niya, bakit tinuunan ni Mam Brenda ang “umbok” sa harapan niya. Parang sinusukat ang laki.

“Tingnan mo nga at nagpunta rito. At pa­lagay ko nga ay nagkatikiman kayo. Tumatanggi ka lang,’’ sabi ni Manang.

Napailing-iling muli si Alexis.

KINABUKASAN, si Manang na ang naglilinis ng pool.

Nang bigla siyang sigawan ni Brenda mula sa bintana. Ayu­sin daw ang paglilinis at baka katihin ang katawan. Asar na asar naman si Manang. (Itutuloy)

Show comments