Ahas sa Garden(20)

“DITO ang gusto ko,” sabi ni Brenda habang nakayakap kay Nath. Nasa may pintuan lang sila.

Nagtawa si Nath.

“Iba talaga ang trip mo Babe. ‘Yan ang gusto ko sa’yo!’’

“E sinabik mo ako e. Sabi ko sa’yo sasama ako sa Baguio. Binagoong mo ako rito.’’

“Masama nga ang panahon sa Baguio, Babe. May landslide sa Kennon Road. Dito sa Metro maganda ang panahon pero dun grabe.’’

“Wala namang bagyo ah.’’

“Dito nga sa Metro wala pero sa northern Luzon meron. Delikado ang dulas ng daan.’’

“Parang isang taon kang nawala, Babe!’’

“Sobra ka naman! Para dalawang araw lang eh.’’

“Matagal yun Babe. Inip na inip talaga ako!’’

“Ganun ba? E di tikman mo ‘to! Ummmmm!’’

Sinakmal ni Nath ang  maninipis at makipot na labi ni Brenda. Lumaban si Brenda. Nakipag-espadahan sa dila ni Nath. Walang patlang na espadahan. Hindi na nila inintindi kung nasa salas man sila. Trip nga ni Brenda roon. Mas nasa open na lugar, mas challenging.

Matagal na nag-espadahan ang kanilang mga lengua.

Nang matapos ay kapwa silang humihingal.

Para mapunan ni Nath ang kakulangan kay Brenda, siniil niya ng halik sa leeg ang babae. Nakiliti at kilabot na kilabot si Brenda.

“Na-miss mo ba talaga ako, Babe? Ummmm!’’

“Oo! Ayyy! Huwag diyan, Babe. Nakikiliti akooooo!’’

Pero lalo pang siniil ni Nath si Brenda.

Nang tumigil si Nath, si Brenda naman ang naging malikot. Gumapang ang kanang kamay. Humantong sa harapan ni Nath. Naabot ang siper ng pantalon. Ibi­naba.

“Babe anong gagawin mo?’’

“Itinatanong pa ba yan?’’

Lumuhod si Brenda kahit walang belo.

Napapikit si Nath. Iba talaga si Brenda.

Lingid sa kanila, may mga matang lihim na nakatingin at kanina pa nagmamatyag sa mga mangyayari. (Itutuloy)

Show comments