Sadiq(152)

“AKALA ko nagbibiro ka lang kagabi nang sabihin mong dadalaw ka rito, JayR,” sabi ni Bela nang nakaupo na sila sa sopa sa salas.

“Para ngang pabiro ang pagkakasabi ko ka­gabi, sorry ha. Eto nga pala ang regalo ko, Bela. Pasensiya ka na ha?’’

“Thanks. Nag-abala ka pa.’’

“Hindi ko kasi alam kung ano ang ibibigay ko sa’yo.’’

“Salamat uli.’’

Natahimik sila.

Halatang nagkakahiyaan.

“Ikukuha kita ng maiinom. Coffee o beer?’’

“Coffee. Hindi ako umiinom ng alak.’’

“Okey. Sandali lang JayR.’’

Tumayo si Bela.

Hindi naman mapakali si JayR. First time niyang dumalaw sa babae. Hindi niya alam ang sasabihin kay Bela. Parang nabubulol siya kapag nagsasalita.

Nakita niya ang pag­lapit ni Bela. May dalang umuusok na kape sa tasa. Ibinaba sa mesita na malapit kay JayR.

“Etong coffee mo. Kung kulang ang sugar, sabihin mo lang.’’

“Salamat.’’

Natahimik uli sila.

Nagkakahiyaan.

Hindi malaman ang sasabihin.

Si JayR ang bumasag ng katahimikan.

“Ngayon lang ako nakaakyat ng ligaw, Bela kaya ganito ako. Hindi ko alam ang gagawin, he-he-he!’’

“Halata ko nga JayR, ha-ha-ha!’’

“Hindi ka naiinis?’’

“Ba’t naman ako mai­inis?’’

“Baka kasi boring akong kausap.’’

“Hindi. Okey lang JayR.’’

“Salamat, Bela.”

“Mabuti at nakita mo agad itong sa amin. Mahirap hanapin ito.’’

“Nagtanung-tanong ako.’’

“Magaling kang mag­hanap.’’

“Kasi’y gusto ko ang hinahanap. Ganun ako kapag espesyal ang hinahanap.’’

Ngumiti si Bela. Gusto niyang kausap si JayR.

(Itutuloy)

Show comments