Sadiq (30)

“IKAW JayR, hindi mo pinangarap maging artista?’’ sabi ni Sadiq habang pinanonood ang bidang lalaki sa TV.

Nagtatawa si JayR nang sumagot.

“Hindi pang-artista ang mukha ko Sadiq. Puwede siguro pang-horror.’’

“Eto naman sob­rang laitin ang sarili. Guwapo ka nga e. Kung ako lang ay may kakilalang producer­, ay irerekomenda kita.’’

“E kung hilig kong mag-artista e di hindi na sana ako nag-Saudi.’’

“Puwede ka nga JayR. Yang tipo mo e pagka­kaguluhan ng mga babae kapag nag-artista ka. Sayang! Puwede ka sa bold scene ha-ha-ha!’’

“Wala akong ipakikita, ha-ha-ha!’’

“Wala ba? Meron naman ah!’’

“Basta hindi ko talaga hilig mag-artista, Sadiq.’’

“Kaya nga sayang ka!’’

 

MINSAN, nagpa­alam si Sadiq kay JayR na lalabas ng room dahil may bibilhin lang. Naligo naman si Jay. Pagkatapos maligo, nagulat siya nang lumabas dahil nasa may pintuan si Sadiq.       

(Itutuloy)

Show comments