Sadiq(29)

NAISIP ni JayR, mag-“couple” o ‘‘mag-asawa’’ sila ni Sadiq kaya ganun ang tawag ni Pakito. Mag-asawa na magkasama sa kama. Bading kaya si Sadiq?

Naalala rin ni JayR ang nasalubong nilang guwapo sa Batha na umano’y dating kasamahan sa Jeddah ni Sadiq. Nahalata niya na parang nagulat si Sadiq nang makita ang lalaki. Pakiramdam niya, parang may nakaraan ang dalawa. Bakit ganoon ang kilos ni Sadiq nang makita ang guwapo?

At isa pang napansin niya, kapag nakakakita ng guwapo si Sadiq ay hindi nito mapigilan ang sarili at napapabulalas nang pag­hangha sa kapwa lalaki. Ugali ba yun ng tunay na lalaki?

Gaya nung minsan, dumaan sa harapan nila ang boss nilang Arabo. Hindi napigil ni Sadiq ang sarili at nasabing ‘‘ang guwapo!’’. Parang hindi iyon dapat sabihin ng isang katulad ni Sadiq na ang tingin naman niya ay hindi bading.

Paano naman niya pag­hihinalaang bading si Sadiq e meron itong magandang asawa at tatlong anak na babae. Lagi pa ngang ikinukuwento sa kanya ang mga anak na pawang matatalino.

Nagkakamali lang si­guro siya sa mga iniisip kay Sadiq.

MINSANG nanonood sila ng isang movie sa TV, nagulat na maman si JayR sa sinabi ni Sadiq.

‘‘Ang guwapo ng bida ano, JayR?’’

Hindi siya sumagot.

“Ang guwapo talaga kahit saan tingnan!’’ sabi pa ni Sadiq.

(Itutuloy)

Show comments