Sa Piling ng Kalapati (150)

ANG isang naipagma­malaki ni Mommy Donna, nadala niya sa magandang buhay si Ruth. Mula sa pagiging palaboy, na­palaki niya ito nang maayos. Nagabayan niya ito kaya maganda ang tinahak na buhay. Naging­ “kalapati” man siya na mababa ang lipad, na­big­­yan naman niya ito nang magandang buhay. Maipagmamalaki  niya ang nagawa kay Ruth. Na­pagsilbihan niya ito nang ayos.

Ang gusto niyang ma­pagsilbihan ngayon ay si Keiko na mula sa pagkabata ay hindi nakatikim ng init mula sa kanya. Kaya ang dalangin niya palagi, sana ay magtagal dito sa Pilipinas si Keiko. Sana, maging pirmihan na siya rito para lagi silang­ magkasama at nang magampanan niya ang mga pagkukulang dito. Ka­pag nagtagal dito si Keiko, pagsisilbihan niya nang lubus-lubos ang anak.

At kapag nagawa niya iyon kay Keiko, maligaya na siyang mamamatay. Solb na ang inaasam niya.

GABI. Nasa opisina si Ruth nang tawagan ni Jo­shua. Susunduin daw siya. Sa may parking area siya hihintayin. Hindi na raw aakyat sa opisina ni Ruth at baka may makakitang ka-officemate.

Pasado alas siyete ay nag-out na si Ruth. Iyon ang usapan nila. Exci­ted siya tuwing ihahatid siya ni Joshua.

Nagtataka lang siya kung bakit sa parking area siya hihintayin.

Malayo pa siya, natanaw na niya sa parking area si Josh.

Nang makalapit siya niyaya agad siya ni Josh.

“Tayo na, Ruth.’’

“Magdidyip ba tayo uli?’’

“No. Dun sa kotseng yun tayo sasakay.’’

Nagulat si Ruth nang makita ang bagong kotse.

(Itutuloy)

Show comments