Sa Piling ng Kalapati(65)

IILAN pa lang mga ga-gra­duates na nasa PICC nang dumating doon sina Mommy Donna at Ruth. Pasado alas sais pa lamang ng umaga.

“Masyado yata tayong napaaga, Mommy,” sabi ni Ruth habang inaayos ang toga.

“Mas maganda nang maaga kaysa late. Makakapag-ayos ka pa ng sarili. Teka nga at aayusin ko ang make-up mo. Parang hindi pantay.’’

Kinuha ni Mommy ang make-up kit at  niretoke ang make-up ni Ruth.

“Ayan ang ganda-ganda ng anak ko.’’

“Mana sa’yo ha-ha-ha!’’

“Mamaya ano bang ga­gawin? Baka magkalabu-labo e hindi tayo magkita.’’

“Ituturo ko sa’yo kung saan ka uupo. Di ba mayroon kang coupon? May seat number ‘yun. Kapag tinawag ang name ko, pupuntahan kita sa upuan mo at sabay tayong pupunta sa entablado para isabit mo sa akin ang medal bilang cum laude.’’

“Okey sige. Hindi kaya ako madapa sa entablado? Ngayon lang ako aakyat.”

“Humawak ka sa akin. Basta relaks ka lang.’’

“Sige. Tatapangan ko.’’

“Matapang ka naman di ba?’’

“First time ko kasi sa ganitong affair.’’

“Aba huwag kang pahahalatang kinakabahan dahil kukunan tayo ng picture. Ba­yad na ang picture na yun kaya kailangang maganda ka.’’

“Sige. Basta alalayan mo ako.’’

Pasado alas otso ay pinapasok na sila sa loob. Napakaraming ga-graduate. Nang nasa loob na sila, itinuro ni Ruth kung saan uupo si Mommy Donna. Madali namang nakita ni Mommy ang uupuan.

Nagsimula ang ceremony. Tinawag muna ang mga may natanggap na karangalan at isa nga roon si Ruth bilang cum laude.

Umakyat sina Ruth at Mommy Donna. Iniabot kay Mommy ang medal at isi­nuot kay Ruth. Kinunan sila ng picture. Pakiramdam ni Mommy, nasa alapaap siya sa matinding kasiyahan. 

Nang bumaba sila sa entablado, parang naglalakad sa ulap si Mommy Donna.

Natapos ang graduation.

Masayang-masaya si Mommy.

“Pinasaya mo ako Ruth.’’

“Maraming salamat Mommy. I love you!”

(Itutuloy)

Show comments