Nunal (33)

“IBIG mong sabihin, mga engkanto ang nakita ko, Anto?’’

May pagtataka sa boses ni Robert.

“Biro lang. Pero meron talagang mga engkanto rito. Madalas na nagmumukha silang tao kapag may kinatutuwaan dito. Lalo na kapag bagong mukha.’’

“Tinatakot mo naman ako, Anto. Naninindig tuloy ang balahibo ko.’’

Nagtawa si Anto. Halos mamilipit sa pagtatawa.

“Matatakutin ka pala Robert. Uminom pa nga tayo para mawala ang nerbiyos mo, ha-ha-ha!’’

“Kasi’y parang totoo ang sinasabi mo na nagmumukhang tao ang mga engkanto.’’

“Kalimutan mo na ‘yun. Inom pa tayo at masarap pala itong Tirador.’’

“Sige, Anto. Baka nga mawala itong naramdaman kong takot.’’

Nagsalin pa sa baso si Anto. Nag-toast sila.

“Ang sarap talaga ng Tirador! Walang sabit.’’

Sabi ni Anto makaraang matungga ang alak.

“Ngayon ka lang ba nakainom ng imported?”

“Minsan nakainom na ako pero iba itong Tirador. Walang kasabit-sabit.’’

“Marami akong alak sa Maynila. Regalo sa akin kapag Pasko. Hayaan mo at pagbalik ko rito ay pasasalubungan kita. Ilang bote ba ang gusto mo?’’

“Kung ilan ang ibibigay mo e hindi ko tatanggihan, ha-ha-ha!’’

“Dadalhan kita. Mas ma­­­sarap yun, Anto.’’

“Sige, pero huwag ka munang aalis dito sa Maragooc at bago pa lang tayong nagkakakilala. Kahit tumagal ka rito nang matagal na matagal ay ayos lang.’’

“Talaga?’’

“Oo. Wala naman akong kasama rito. Matandang binat ay! Ha-ha-ha!’’

“Parehas tayo, Anto. Kaya nga ako narito ay dahil sinundan ko si Bianca. Pero dahil sabi mo ay walang ganoong pangalan dito ng babae e baka maghanap na lang ako ng iba.’’

“Ay sige. Maghanap ka rito. Pakilasa ko ay mga virgin pa ang mga tsik dito, ha-ha-ha! Wala namang mga manliligaw dito.”

“E ikaw, bakit hindi ka manligaw?’’

“Wala na! Matanda na ako!’’

“Kalabaw lang ang tumatanda.’’

“Bahala na.’’

“Bukas ay papasyal uli ako sa ilog, Anto. Baka makita ko uli ang dala­wang babae sa ilog.’’

“Oo sige. Gusto mo agahan mo ang punta para makita mo kung sino ang mga ‘yun. Mag-ingat ka lang sa kobra.’’

KINABUKASAN, mga alas otso ng umaga ay nasa ilog na si Robert.

Pero isang oras na siya roon ay wala pa ang mga babaing maliligo.

(Itutuloy)

Show comments