^

Black Widow (142)

Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) - January 23, 2016 - 9:00am

HINAYAAN ni Jose ang ginagawa ni Jam na pag­huhubad ng blouse nito. Kung pipigilin niya, lalo lamang itong magwawala at baka mapasama ang kalagayan niya lalo’t narito siya sa pamamahay nito. Ang kailangang gawin niya ay sumakay sa anumang kagustuhan ng babaing ito na may ma-laking problema sa sarili. Hindi rin niya kokontrahin ang anumang gagawin o sasabihin nito. Makikipag­laro siya rito hanggang    sa makatakas siya. Magkukunwari siyang may gusto na rin dito.

Blouse lamang ang hinubad ni Jam. Itinigil ang nakaambang pag-aalis sa bra. Ipinagmalaki nito kay Jose ang seksi pa ring katawan.

“Anong masasabi mo Jose. Seksi pa rin ako ‘no? Tingnan mo ako.’’

“Oo naman, seksi ka pa naman.’’

“Sinong seksi sa amin   ni Marie?’’

‘‘Siyempre  ikaw.’’

Napangiti si Jam.

Nag-iisip si Jose. Ano kaya ang reaksiyon nito kung sinabi niyang si Marie ang mas seksi. Hindi kaya magwala?

‘‘Kaya nga nagtataka ako kung bakit siya ang nagustuhan mo gayung mas seksi ako. At saka noon pa ako nagpapa-charming sa’yo pero hindi mo ako pansin. O baka naman takot ka lang kay Marie?’’

Napatango na lang si Jose. Mahirap nang kontrahin ang babaing ito.

“Pero okey lang kahit si Marie ang ginusto mo. Sabi ko nga sa’yo, puwede naman akong sumabit. Puwede akong makihati. Sana hatian mo ako, Jose.’’

Mukhang desperado na nga ang babaing ito.

Nagulat si Jose nang hawakan ni Jam ang terante ng bra at inalis sa pagkaka-hook. Mukhang wala nang makakapigil.

Hanggang dahan-dahang inalis nito ang bra. Nalantad kay Jose ang mayayamang dibdib ni Jam.

May naisip bigla si  Jose para mapigil ang mga susunod pa.

‘‘Me alak ka ba, Jam. Shot muna tayo.’’

(Itutuloy)

ACIRC AKO ANG ANO ANONG HANGGANG IPINAGMALAKI ITINIGIL JOSE MUKHANG NBSP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with