Sinsilyo (190)

LUMIKOT pa ang imahinasyon ni Kastilaloy. Kapag pinasok niya si Lyka sa kuwarto nito, tiyak na hindi tatanggi. Tatakutin niya ito na isusumbong kay Mau tungkol sa mga ginawa kay Gaude at sa mga ninakaw nitong barya na dineposito sa bank account nito. Tiyak na matatakot si Lyka at papayag na. Baka hindi lamang hipo ang makuha niya, baka pati puri, makuha niya. Napangiti lamang si Kastilaloy. Saka nagtawa sa malikot na naisip.

Nag-imadyin pa ang matanda. Siguro kapag pinasok niya si Lyka sa kuwarto ay maaabutan niyang hubo’t hubad ito. Si-yem­pre, aalisin nito ang nakabalot na tuwalya. Haharap sa salamin at sisipatin ang sarili. Tiyak na gandang-ganda si Lyka sa sarili.

Siguro, pagkatapos sipatin ni Lyka ang sarili ay magpapahid ng lotion sa katawan --- sa braso, binti, hita. Papahiran ang dakong boobski. Aalog-alog ang boobski ni Lyka.

Napangiti si Kastilaloy sa naiimadyin. Ano nga kaya at pasukin niya si Lyka. Hindi yun pipiyok. Malandi si Lyka. Pumapatol ito sa lahat nang lalaki lalo at may pera.

Siguro’y gulat na gulat si Lyka kapag pinasok niya. Hindi lang hipo ang gagawin niya. Pati ano…dyug…At saka nagtawa ang matanda.

Lingid sa kaalaman ni Kastilaloy, sinabi na ni Lyka ang tungkol sa mga nakasakong barya.

“Marami palang tinatagong barya si Tata Dune, Mau.”

“Paano mo nalaman?’’

“Sinabi niya. Nakatago raw sa kuwarto niya.’’

“Ganun ba?’’

“Bisitahin mo Mau. Pero huwag mong sasabihin na ako ang nagsabi.’’

“Oo. Hayaan mo at pupuntahan ko.’’

Natuwa si Lyka.

KINABUKASAN, kinatok ni Mau ang pinto ng kuwarto ni Kastilaloy. Binuksan ni Kastilaloy.

“Bakit Mau?’’

Gumala ang tingin ni Mau.

Hanggang humantong sa ilalim ng kama. May nakita ito.

“Ano ‘yun, Tatang Dune?’’

“Ha, a e…kuwan.’’

(Itutuloy)

Show comments