Xian, abala sa pagsusulat

Xian Lim
STAR/File

Kontrobersyal ang naging hiwalayan nina Kim Chiu at Xian Lim bago magtapos ang 2023. Umabot ng labingdalawang taon ang relasyon ng dating magkasintahan. “It was a wonderful 12 years. It wasn’t toxic relationship. So, when it happened, we assured each other that we would be okay. We are on good terms. And we’re gonna be happy for each other,” makahulugang bungad ni Xian.

Maraming tagahanga ng tambalang KimXi ang nasaktan dahil sa paghihiwalay nina Kim at Xian. Naibahagi ng aktor na ginawa nila ni Kim ang lahat ng makakaya upang mapangalagaan ang kanilang relasyon noon. “I know it’s painful especially for the people who supported us for 12 years pero hindi naman ito ginusto. Kaya nga siya tumagal ng 12 years is because we worked on the relationship. Pinagtatanggol namin ang isa’t isa. We were there for each other, wala pong pagkukulang,” giit ng binata.

Ngayon ay abala si Xian sa kabi-kabilang proyekto. Bukod sa pagiging isang aktor ay aktibo na rin ang binata sa pagiging isang manunulat at direktor. “Of course, no ill feelings. I’m just really focused on my craft. I want to be as creative as possible. I don’t wanna be defined or maalala ako ng mga tao dahil lang dito sa breakup. I wanna be remembered for the projects that I do and for living truthfully,” pagtatapos ng aktor.

Darren, nangangapa pa rin sa hosting

Ipinagdiriwang ni Darren Espanto ang kanyang ika-sampung anibersaryo sa show business ngayong taon. Matagumpay man ang karera ay mayroon pa ring pinapangarap na matupad si Darren. “Ten years from now siyempre I still want to do all of this. Music, acting siguro in the future. But yeah, one thing for sure, definitely still in the music scene, performing. Sana po matuloy ko ‘yung pag-aaral. Kasi when I stopped it was high school na. So parang ‘yung college kasi kailangang may time ka to actually go in to the university or college in person,” pahayag ni Darren sa YouTube channel ni Luis Manzano.

Malaki ang pasasalamat ng binata dahil sa patuloy na suportang ibi­nibigay ng kanyang mga tagahanga. Bukod sa pagiging singer at aktor ay isang ganap na host na rin si Darren sa It’s Showtime. “It was definitely something that I was kind of nervous about because siyempre hosting isn’t really part of what I do. It’s just something that I do on the sideline, ‘yon nga po mag-i-intro, mag-spiels sa ASAP, mga gano’n and then hos­ting na talaga. It helped that I’ve already known the hosts of Showtime for so long. Since ‘yon ang naging guesting namin after no’ng grand Finals ng The Voice Kids. Sa Showtime kami agad sinalang the next day. So, I’ve known them since 10 years ago,” kwento ng singer-actor.

Ayon kay Darren ay talagang naramdaman niya ang pagmamahal ng mga kasamahang hosts sa naturang noon time show. “I felt comfortable with them and they treat me as their younger brother. Kasi ako po ‘yung bunso ng hosts. Day by day nangangapa pa rin (sa hos­ting) minsan. But it helps I got a bond with them. I just have fun, it doesn’t feel that you’re at work,” pagbabahagi niya. (Reports from JCC)

Show comments