Karen, kulang sa sustansya at parang scripted ang interview

Karen Davila
STAR/File

“That the interview was even held at the law office representing Guo clearly meant that questions had been screened and approved prior to the interview and conscientious journalists, in the face of controversies like this and in the middle of our country’s struggle to keep our sovereignty afloat, would never accede to that or better yet, find a way to go around pre agreed-upon questions. Scoop my ass, sus!” mula kay Ivy Lisa Mendoza na faculty ng UP:

Ano kaya ang masasabi ni Karen Davila rito sa mga kaeskwela niya?

Talaga bang pang-scoop lang siya na kulang sa sustansya?

Dominic, mabilis nang kausap

Mas magaan at mas madali na raw ma-interview si Dominic Roque matapos ang kanyang breakup kay Bea Alonzo.

Good kung ganu’n. Ang tanong: what will he talk about? What’s newsworthy with him – without mentioning Bea at all? Babalik na ba siya sa pag-arte if ever? Gumaling na ba siya sa kanyang acting?

Good luck!

Mango… ni Sharon, ‘di na tuloy?

Napag-uusapan ang pelikulang tulad ng GomBurZa na mula sa kasaysayan na ginawan ng pelikula.

Meron kayang ganito na magiging entry sa Metro Manila Film Festival 50?

Meron kayang galing libro tulad ng Bata, Bata Paano Ka Ginawa o Dekada ‘70 na mula sa literatura na gagawin para sa big screen?

Ano na ang nangyari sa Mango Bride na libro ni Marivi Soliven na in-announce na gagawin ng Megastar Sharon Cuneta, tuloy pa ba kaya ‘yun? Anyare na?

Your mother..., ala Vivamax!

Tama nga ang sinabi ng nakapanood noong premiere na pang-Vivamax ang Your Mother’s Son ni Direk Jun Lana. Nagsimula na ito kahapon.

Ito nga ba kaya ang gustong ma-achieve na status ng pelikula – na maihanay sa Vivamax?

Hindi ba ito le-level pang-Peque Gallaga edgy-sexy classic na Scorpio Nights o Unfaithful Wife? Anyare?

So wala nang pang-commercial theatrical run ito – since nag-streaming na?

Oh well.

Nakakata-quote:

“Convince us that you are Filipino. Because if you’re Chinese, go back to your country! If you’re Filipino, convince us! Because your answers sound so scripted, paulit-ulit.” – Senator Loren Legarda to Alice Guo

Show comments