Mainit na panahon, maraming pinahihirapan

Ferdinand Marcos Jr.
STAR/File

Sa totoo lang, lahat ay nahihirapan na sa mainit na panahon na talaga naman nagpapataas ng bayad ng kuryente dahil maghapon ang electric fan at aircon.

Sarap din sanang manood ng sine dahil malamig sa loob ng sinehan kahit feeling ng marami sobra ang taas ng bayad, pero marami namang mga tamad lumabas.

Imagine ang mga tao nasanay na sa aircon tulad ng mga celebrity dahil nga sa pambihirang init.

Kaya nakakainggit na marami ang nagta-travel para matakasan ang sobrang init kahit sandali lang.

Pero kahit pa nga ano ang nangyayari, dapat i-appreciate natin ang buhay.

Imposible naman na dahil lang sa init, huminto na ang trabaho.

Tuloy pa naman lahat.

Tulad halimbawa sa pagiging busy ng mga GMA talent sa mga regional show na talaga naman ang daming nanonood.

Maganda ng exposure sa mga talent at napapasaya pa nila ang fans. Kaya nga nakakatuwa na pinaghihirapan talaga ng GMA na maibigay ang mga gusto ng viewers ngayon na choosy namandahil sa rami nang pagpipilian na panoorin.

Hindi na lang basta ibigay mo tanggapin nila. Choosy na ang marami lalo na ang mga bagong generation na mas keen na ang taste.

Talagang dapat i-upgrade na lahat ang mga idea para makasunod sa bagong panahon.

Kahit pa nga sa print ad at mga binabasa ngayon ng bagong generation may mga pagbabago kang nakikita.

Ganyan din ang nakikita ni Presidente Bongbong Marcos kaya ina-adjust niya ang educational system para makahabol sa lahat ng pagbabago.

Dahil pag hindi tayo humabol mahuhuli tayo sa iba.

Ganun. Dapat laging pasulong, ‘wag paatras, kahit sa ugali natin.

Show comments