Anak ng sikat na actress, boses lata ‘pag nagho-host

MANILA, Philippines — Halatang hindi pinadaan sa isang workshop ang isang female host bago sumabak sa daily hosting niya sa isang morning show.

Matining na ang boses, nakakairita pang pakinggan dahil parang ga­ling sa squammy area, huh!

Eh may magandang mukha si host at anak ng isang dating sikat na artista. Maganda rin ang mukha pero boses-yero, huh!

Sarap punitin!

Jericho at Jake, pinagpipilian maging Gringo

Inanunsyo ni Atty. Ferdie Topacio ng Borracho Productions na ang isa sa projects na gagawin ng outfit niya eh ang hindi pa napapanood na bahagi ng buhay ni former Senator Gringo Honasan. Sumaglit ang senador sa mediacon ng announcement na inihayag ang gratefulness kay Atty. Ferdie sa pagsasapelikula ng buhay niya.

Of course, kung sino ang lalabas bilang Gringo eh hindi pa inihayag sa movie. Ang timeline lamang ng kuwento ang ibinahagi ng dating senador.

Pero ang dinig namin, napupusuan daw ng production si Jake Cuenca para gumanap bilang Gringo. ‘Yun nga lang, may nagsasabi namang puwede rin si Jericho Rosales sa role.

Jake or Jericho as Gringo? Abangan na lang natin!

Show comments