Mata ni Marian, may kakaibang talent na pinakita!

Marian Rivera

Kakaibang talent ang ipinakita ni Marian Rivera sa isang eksena sa series niyang My Guardian Alien na akala namin eh gawa-gawa lang.

Nakahiga si Yan sa kama katabi ang anak niyang si Ralph Landicho. Natutulog ang eksena pero si Marian, sarado ang kanang mata habang dilat ang kaliwang mata, huh!

Sa dayalog ni Yan, hindi raw sila natutulog sa planeta nila dahil hindi nila kailangan. Ang kailangan daw alisto sila sa paligid nila.

Dapat daw kasi eh dalawang mata ang nakapikit habang natutulog. Pero nang gawin uli ni Yan ang tinuro ng anak, dilat pa rin ang isa niyang mata, huh!

Naku, tunay na talent daw ni Marian ang may matang sarado at may isang mata na dilat na parang natutulog!

Ikaw ba, Salve A, paano matulog? Hehehe!

Lovi, may reunion sa malaya director

Reunited si Lovi Poe sa direktora niyang si Connie Macatuno na unang nakatrabaho niya sa pelikulang Malaya.

Magsasama silang muli sa bagong Regal movie na Guilty Pleasure kung saan kasama nila sina JM de Guzman at Jameson Blake.

Baguhan pa lang si Lovi noon eh isa na siya sa fave stars nina Mother Lily at Roselle Monteverde. Ang Guilty Pleasure ay follow-up sa Regal movie ni Lovi na Seasons.

Show comments