Ina, ramdam ang anak kay Donny

Donny Pangilinan at Ina Raymundo.
STAR/ File

Ang anak niyang si Jakob na ilang months nang hindi nakikita ni Ina Raymundo ang naalala niya tuwing may eksena sila ni Donny Pangilinan sa Can’t Buy Me Love na gumaganap na anak niya pero mabigat ang loob sa kanya.

“I’m thankful si Donny ang katrabaho ko kasi it was easy for me to show emotion kasi emotional ‘yung mga scenes namin.

“Imagine more ‘yung anak mo can’t forgive you, hate ka, ang hirap nun as a mom. Parang imagine ko parang si Jakob na hate ako it breaks my heart into tiny pieces. So iyon ang daling i-channel with Donny,” sabi ng actress na emosyonal din sa pagtatapos ng teleserye.

Lahat nga ay magagandang salita ang sinasabi ni Ina sa buong cast nito, hindi lang kay Donny kaya mami-miss daw talaga niya ang kakaibang closeness na nabuo sa kanila.

“They are such good people and they’re very good actors. I’m a fan for DonBelle kasi they are so young but so experienced in life and the way they carry themselves. I’m so proud to work with all of them,” chika pa ni Ina tungkol kay Belle na oo nga raw at hindi niya nakakasama sa eksena dahil nasa kabilang pamilya ito, puring-puri niya si Belle.

Si Jakob ay anak ni Ina na nag-aaral sa US at very hunk na kasali sa college baseball team ng kanyang eskwelahan.

Show comments