Bong,mas komportableng magpatawa!

Beauty Gonzales, Bong Revilla, at Max Collins.

Sobra talagang excited si Bong Revilla sa paglabas ng Season 2 ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.

Talagang si Bong mismo ang nagsabi na tuwang-tuwa siya sa mga kasama niyang sina Beauty Gonzales at Max Collins.

Kasi nga talagang iba ang character ni Bong na ginagampanan niya hindi gaya sa pelikula na talagang action na action ang mga eksena at hindi nakikita ang kanyang funny side.

Kaya naman bagay na bagay sa kanya ang mga project na katulad ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.

Bagay pa naman ang combination nila ni Beauty dahil nga very funny din ito.

Sa mga trailer pa lang, alam mo nang magiging masaya na naman ang programa na pansamantalang nag-break last year.

Kaya tiyak na aapaw ang saya sa ikalawang season ng well-loved Kapuso action-comedy series na Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.

Tiyak din na level up ang action, level up ang katatawanan, at level up din ang kapilyuhan.

Show comments