Pang MMK at Magpakailanman ang kuwento ni Dodong.
Tatlong dekada na ang nakalilipas sa noo’y mahirap na bayan ng San Carlos, Negros Occidental, paranga gumuho ang mundo ng grade 5 student na si Dixon Alfabete o Dodong sa kanyang mga kaibigan.
Mula sa isang hikahos na pamilya na tanging ina lamang ang bumubuhay, kinailangan ni Dodong na huminto sa pag-aaral at magtrabaho sa murang edad upang tumulong na itawid ang kanilang mga pangangailangan.
Dahil sa malungkot na kapalaran, maagang tinanggap ni Dodong na wala na siyang pagkakataong umasenso.
Pero ilang taon ang lumipas, biglang umikot ang kanyang buhay nang makilala si Taberna Group of Companies (TGC) president at CEO, and broadcast journalist na si Anthony “Ka Tunying” Taberna, na nagbigay sa kanya ng trabaho bilang salon assistant at family driver.
Nang magsara ang parlor, naging panadero naman si Dodong sa unang branch ng Ka Tunying’s restaurant sa Manila na binuksan noong 2015. “Mula noon naging maayos ang buhay namin. Hindi ko inakalang mula sa pagiging magsasaka at tricycle driver sa probinsya ay magiging maayos ang buhay ko,” paglalahad niya.
Si Dodong ay isa lang sa daang empleyado ng TGC na lumahok sa mga engrandeng production numbers ng annual employee appreciation party ng kumpanya na may temang Ikaw ang Regalo Ko na ginanap noong Huwebes (Jan. 4, 2024).
Ang nasabing appreciation party ay parating inaabangan ng mga empleyado nila dahil doon lang may pagkakataong magbihis at mag-ayos ng bongga ang mga ito.
Buhos din ang pasasalamat sa mga empleyado sa pamamagitan ng napakaraming raffle prizes at giveaways -- kabilang na ang appliances, gift certificates, cash at frozen goods. “Malayo na ang ating narating mula sa ating simpleng community bakeshop sa San Antonio, Nueva Ecija. Sa kasalukuyan ay mas marami na tayong platforms para sa ating Ka Tunying’s restaurant; mas maraming serbisyo mula sa ating 18-year-old events arm na Outbox Media (OBM) at may loyal fan base ang ating trending digital program na Tune In Kay Tunying at dokumentaryong Kuha All,” sabi ni Mrs. T sa kanyang speech.
“Hindi kami nangangarap lamang para sa aming sarili, nangangarap kami para sa buong team. Kayo ang dahilan kaya itinuloy namin ang aming negosyo sa kabila ng sunud-sunod, patung-patong na pagsubok at problema,” bahagi naman ni Ka Tunying.