Miles, na-shock daw sa pag-amin ni Elijah

Miles Ocampo

Umiwas si Miles Ocampo na pag-usapan ang break-up nila ni Elijah Canlas sa presscon ng Family of Two.

Na-irelate niya pa sa kuwento ng kanilang pelikula na tungkol sa ina. “Alam mo ‘yung mga parents, kahit hindi ka mag-sabi sa kanila, kahit hindi ka mag-salita, at kahit hindi ka mag-sharae, nararamdaman nila kung ano ang nararamdaman mo

“I am grateful sa mommy ko, sa parents ko, actually. Kahit wala kayong conversation, mararamdaman mo, bigla na lang magte-text ang mama na, ‘Kamusta ka? Kamusta ka today?” sabi niya.

Grabe nga raw ang pinagdaanan ni Miles sa hiwalayan nila ni Elijah dahil hindi diumano nito inexpect na ikukumpisal agad ni Elijah ang nangyari sa kanila nang magpa-interview ito. At ang ikinokonek na pangalan din sa kanilang hiwalayan, si Andrea Brillantes din.

Magkasama sa Senior High sina Elijah at Andrea.

Pero may intriga rin namang may iba na raw talaga ngayong girlfriend si Elijah. ‘Di ko lang maalala ang pangalan dahil hindi pa ito sikat.

Show comments