May panibagong partnership ang ABS-CBN Entertainment at Viu - ito ay ang local adaptation ng sikat na romantic-comedy series ng leading entertainment company na CJ ENM na What’s Wrong With Secretary Kim.
Ito ang ikatlong adaptation ng ABS-CBN at Viu para sa isang top rating international format. Una na silang nag-partner para sa The Broken Marriage Vow at Flower of Evil.
Pagbibidahan ng Kapamilya stars na sina Kim Chiu at Paulo Avelino ang What’s Wrong With Secretary Kim bilang sina Secretary Kim at Mr. Vice-Chairman na orihinal na ginampanan nina Park Min-young at Park Seo-joon.
“We extend our heartfelt thanks to Viu for once again placing their trust in ABS-CBN as we embark on yet another exciting partnership. We are thrilled to bring the Philippine adaptation of a popular K-Drama series to our viewers as we also showcase the Filipino talent across the world,” sabi ni Cory Vidanes, ABS-CBN COO of broadcast.
Umapaw ang kilig ng viewers sa buong mundo para sa What’s Wrong With Secretary Kim noong ipinalabas ito sa South Korea noong 2018.
Sinusundan nito ang kwento ng isang gwapo at seryosong vice-chairman ng isang malaking kompanya. Mayayanig ang tila perpekto niyang buhay nang malaman niyang magre-resign ang mahusay niyang sekretarya pagkalipas ng maraming taon. Gagawin niya ang lahat para hindi siya iwanan nito pero sa halip ay unti-unti silang mai-inlove sa isa’t isa.
Abangan sina Kim at Paulo sa What’s Wrong With Secretary Kim ngayong 2024.
Nali-link na totoong buhay sina Kim at Paulo na unang nagtambal sa laging trending drama series na Linlang.