Michelle Dee, ayaw mahanapan ng butas sa Miss Universe!

Michelle
STAR/ File

“I’m giving it everything that I have—two hundred percent of myself. I’m dedicating it to my crown. I’m working on the different aspects of my campaign just to make sure that when I fly to El Salvador, I’m 100% ready. Walang mahahanap na butas,” pahayag sa Unang Balita ng anak ni former Miss International Melanie Marquez na isang bisexual sa kanyang paglaban sa Miss Universe.

At masasaksihan ng mga manonood ang laban ni Michelle para masungkit ang korona bilang Miss Universe dahil ipapalabas ng ABS-CBN ang ika-72 na edisyon nito sa iba’t ibang platforms kabilang ang A2Z Channel 11, Kapamilya Channel, Metro Channel, at iWantTFC, sa Nobyembre 19 (Linggo) simula 9 a.m.

Live na mapapanood mula sa El Salvador ang kompetisyon kung saan makakalaban ni Michelle ang 89 na mga reyna mula sa iba’t ibang bansa.

Tiyak na mas maraming tagasuporta ang nag-aabang sa pagrampa ng mga kalahok sa kanilang swimwear at evening gown at pati ang makabuluhang sagot sa Q&A portion.

Kanino kaya ipapasa ni 71st Miss Universe R’Bonney Gabriel ng USA ang korona?

Show comments