Hindi napigilang maluha ni Lovi Poe sa kasal nila ni Monty Blencowe nang magbigay ng mensahe si Sen. Grace Poe na Matron of Honor niya.
Naikuwento sa amin through Viber Leo Dominguez, ang manager ni Lovi.
Sobrang na-touch daw ang Kapamilya actress dahil naalala niya ang kanyang amang, si Fernando Poe Jr.
“Sabi ni Senator Grace; ‘If FPJ were alive today, he could have been so proud of you, Lovi.
“’I wish he were here today so that he would be walking with you down the aisle on your wedding day.’
“Very emotional ang speech ni Sen. Grace sa reception na hindi mapigilan ang mga luha ni Lovi na kailangan niyang puntahan at yakapin si Senador Grace.”
Sabi nga ni Lovi sa kanyang wedding march, “I wanna savor this moment.”
Talagang marami siyang mga hinding-hindi makakalimutan sa mahalagang araw na ito ng kanyang buhay, lalo na’t kumpleto ang pamilya niya sa kanyang kasal.
Sabi ni Leo, napakaganda raw ng mommy ni Lovi na sobrang saya para sa kanyang anak.
Kasama raw ng mommy niya ang younger sister ni Lovi na si Yela.
Pati ang half-brother ni Lovi na si Ronian Poe ay nandun din.
Sinamahan si Sen. Grace ng anak niyang si Brian Llamanzares na close rin kay Lovi.
Bukod sa pamilya nandun din ang malalapit na kaibigan ng aktres, kagaya nina Rhian Ramos at Max Collins na nakasama niya sa GMA drama series nila dati na The One That Got Away.
Nandun din at naging bahagi ng entourage ang mag-asawang Dr. Vicki Belo at Dr. Hayden Kho, Bela Padilla at Cong. Sam Verzosa.
Sabi pa ni Leo sa amin, babalik daw agad si trabaho si Lovi pagkatapos ng wedding.
Babalik na raw ng Pilipinas sa Sept. 1 para sa taping ng Ang Batang Quiapo.
Magkasama rin daw sila ni Coco Martin na lumipad patungong Milan, Italy sa Sept. 7 para sa ASAP doon.
Kaya tuluy-tuloy pa rin pala si Lovi sa sikat na teleserye nila ni Coco.
Heaven, waging Best Actress sa Luna Awards
Congratulations sa pelikulang Family Matters na tinanghal na Best Picture sa katatapos lang na 39th Luna Awards.
Nakuha rin nito ang Best Picture award sa FAMAS, at paparangalan din sa PASADO Awards sa Sept. 23.
Kaya nag-text nga sa amin ang producer nitong si Mayor Enrico Roque ng Cineko Productions na tama nga raw ang hula ng karamihan na tiyak na hahakot ito ng awards sa iba’t-ibang award-giving bodies.
Sabi nga namin sa kanya, vindicated siya pagkatapos itong dedmahin sa nakaraang Metro Manila Film Festival.
Hindi na raw niya iniisip ‘yun. Mas nanaig daw ang pasasalamat sa lahat na sumuporta sa Family Matters.
“Nagpapasalamat ako sa lahat na nanood, sumuporta at nakapulot ng aral ng kahalagahan ng pamilya,” text sa amin ni Mayor Enrico Roque.
Congratulations din kina Noel Trinidad na siyang Best Actor uli, at si Mylene Dizon na siyang nagwaging Best Supporting Actress, mula rin sa Family Matters.
Nakakatuwa rin at masaya kami para kay Heaven Peralejo na siyang nag-Best Actress sa Luna Awards.
Kung hindi man niya nakuha ito sa MMFF, nabigyang halaga naman ang magaling niyang performance sa pelikulang Nanahimik ang Gabi na entry ng Rein Entertainment sa nakaraang MMFF.
Sabi nga ni Heaven sa kanyang Instagram post, “Just immeasurable joy and gratitude.
“This award belongs not just to me, but to everyone who believed in me and my dreams. Maraming maraming salamat po sa inyong lahat (heart emoji #NanahimikAngGabi.”
Napapanood pa rin pala ang pelikulang Nanahimik ang Gabi sa Amazon Prime.