^

PSN Showbiz

Showtime kakasuhan? YT channel ng Eat Bulaga, terminated na naman!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Showtime kakasuhan? YT channel ng Eat Bulaga, terminated na naman!
Showtime Host

May mga lumalabas nang kuwento tungkol sa desisyon diumano ng MTRCB sa programang It’s Showtime.

May nagkakalat na kakasuhan daw ang programang ito, pero pawang haka-haka lamang at walang may nagkumpirma mula sa MTRCB.

Kahit ang ilang sources na napagtanungan namin ay wala pa ring alam.

Ang isa lang sa nasagap namin mula sa reliable sources, magkakaroon ng general meeting ngayong linggo at dito na pagdesisyunan ang mga na-summon na programa.

Hindi ibig sabihin ang Showtime lang, kundi pati ang iba pa kagaya ng E.A.T. na na-summon na rin at ipinatawag nung Lunes.

Pero hindi lang ito dahil sa mga ginawa ng hosts o guests ang pagbabasehan ng desisyon. Marami silang iku-consider kaya hindi ganun kadali.

Kaya maingat na rin ngayon ang mga programa lalo na ang araw-araw na live na napapanood.

Nung nakatsikahan nga namin si Paolo Contis sa nakaraang look test ng pelikulang Fuschia Libre na gagawin nila ni John Arcilla sa Mavx Productions, talagang nag-iingat daw siya ngayon sa mga sinasabi niya pati sa pagpapatawa sa Eat Bulaga. “Sobrang maingat ako,” bulalas ni Paolo.

Aminado siyang mahilig din siyang magbato ng green jokes. Pero dahil sa nangyari sa Showtime at E.A.T., talagang ingat na ingat daw siya. “Actually, may mga jokes like for example sa EB Happy, may mga ginagawa akong jokes na habang niri-rehearse, sandali, sandali, huwag na lang nating gawin ‘yan. “

Kahit sabihin mong para sa iyo wala, bakit mo pa itsa-challenge ‘yung sistema ‘di ba? Might as well, be safe,” dagdag niyang pahayag.

Marami naman daw jokes na safe, kaya ayaw na lang daw niyang magbakasali para lang makapagpatawa.  “Hindi kasi... alam mo, ano e, hindi mo naman puwede sabihing uso. Pero sabihin na natin mas maraming matang nakatingin ngayon.

“So, responsibilidad mo rin na kung para sa ‘yo wala kang nao-offend o para sa ‘yo hindi. E paano kung meron? So, dun ka na lang sa pinaka-safe, bakit hindi?,” sabi pa ni Paolo Contis.

Siyanga pala! Nabalitaan naming na-terminate na naman ang YouTube channel ng Eat Bulaga.

Nung nakaraang Sabado lang nila ito inilunsad, pagkatapos nung Lunes ay terminated na sila.

Aware naman sila kung sino ang may kagagawan ng mga nagri-report para hindi sila makakalabas sa social media.

So far, ang Facebook account pa lang meron sila, at nahihirapan na silang magka-YouTube channel.

Buhay ng mga pulis, ipalalabas na!

Asahan ngayong araw na kakalat ang mga kapulisan sa malls dahil magsu-showing ang pelikulang Badge of Honor na prinodyus at dinirek ni JR Rosales.

Ito ‘yung pelikulang tumatalakay sa kuwento ng mga pulis na gagampanan nina Jeric Raval, Alfred Vargas, Empress Schuck, Rommel Padilla at Rayver Cruz.

Sabi ni direk JR, base sa kuwento ng karamihang mga pulis natin at ibang-iba sa kuwento ni Cardo Dalisay ng Ang Probinsyano.

Matagal na nilang natapos ito, pero inabot ng pandemic kaya ngayon lamang ito ipalalabas sa mga sinehan.

Nagpapasalamat  ang direktor at producer ng naturang pelikula na si direk JR Rosales dahil suportado ng PNP ang naturang pelikula.

Nagkaroon sila ng premiere night nung Lunes sa Cinema 2 ng SM Megamall, at nagulat kami sa rami ng mga pulis na dumating.

Dumalo pa roon ang Director of National Capital Region Police Office (NCRPO) na si Brig. General Jose Melencio Nartatez Jr. para suportahan ito.

Natuwa siya na nakahalubilo pa niya roon ang ilang stars ng pelikula na sina Alfred Vargas at Jeric Raval.

Sabi ni direk JR, in-endorse pa raw ng PNP Chief PGen. Benjamin C. Acorda ang naturang pelikula at tumulong sa kanila nung sinu-shoot nila itong pelikula.

Sabi naman ni Alfred, dapat na mapanood ang pelikulang ito para makita naman daw nila ang kabutihan ng karamihan sa mga pulis.

Nasa gitna ngayon ng iba’t ibang kontrobersya ang mga kapulisan, pero naniniwala raw siyang marami pa rin ang mga mabubuting pulis at maituturing na bayani ng taumbayan. “Siyempre, hindi natin maiiwasan na may mga ganung circumstances. Pero I still believe in our Armed Forces, I still believe in their motto na serve and protect. Tho, not perfect, pero ako ang masasabi ko ano, we can still find on the best and the good policemen dito sa ating surface,” saad ni Alfred Vargas.

vuukle comment

HOST

SHOWTIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with