Mga artistang mayayabang noon, hindi na ngayon hinahanap!

Bakit parang hindi ko napansin ‘yung mga pelikula na inilalabas ngayon. Parang basta inilabas lang at wala na, hindi mo na alam ang resulta.

Para ngang kahit ang stars na lumabas hindi mo na rin napapansin.

Siguro now lalo pang nakita ng lahat ang kahalagahan ng pagiging maingat sa anumang kinita mo sa trabaho.

Now lalo pang nadama na dapat naging mabait ka sa ginagawa mong hanapbuhay.

Tingnan mo na pati star system shattered ng pandemic.

Hindi na halos hinahanap ng tao ang mga artistang dati ang yabang sa kanilang katanyagan.

Ngayon mga bagong sibol na stars na ang nakikita mo sa TV. Ngayon dapat ayusin ang disiplina ng bagong stars. Kasi nga doon naging pabaya ang management ng ibang artista. Pinabayaan nilang lumaki ang ulo ng mga hawak nila to the point na talagang akala nila sa kanila na umiikot ang mundo.

Now is the time na ipakita sa kanila na meron nang pagbabago sa mga manonood.

Time for change. Time to open our eyes sa reality. Hindi na gaya ng dati ang panahon.

Mark, takot nang mag-post!

Nabawi na pala ni Mark Bautista ang kanyang Instagram account na na-hack.

In-announce kasi nito sa publiko at ipinost sa X (Twitter) na hindi niya nakokontrol ang kanyang IG page.

Pero nabawi rin pala niya ng sumunod na araw ang kanyang account.

Kaya naman hindi niya maiwasang matakot na mag-post ngayon at sinabing mas lalong mag-iingat.

“I feel like I’m scared to post anything now. Anyway I’m still trying to figure this out for now, I’ll just start by saying- Take extra care and stay safe everyone!” sey ni Mark.

Makakatulog na raw siya ngayon dahil panatag na siyang nabawi na niya ang kanyang account.

Wish niya ay hindi na ito maulit na gigisingin ulit siya ng madaling araw ng kapatid para ipaalam sa kanya na hacked siya.

Show comments