Nasaksihan nina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos at mga anak nila ang ginuhit na kasaysayan ng Pilipinas sa FIFA Women’s World Cup pagkatapos nilang lampasan ang New Zealand kahapon.
Post ni Ryan “Salamat Filipinas
#fifawomensworldcup2023.”
“What a WIN!!! Witnessing this historical win made me tear up!! Ang husay husay!!! Congratulations to our awesome ladies who made this happen! #labanfilipinas #fifawomensworldcup2023,” ang post naman ni Judy Ann.
Ginanap ang FIFA Women’s World Cup sa New Zealand kung saan nagbabakasyon ang buong pamilya nila Juday.
Isinulat nga ni Sarina Bolden ang kasaysayan sa pamamagitan ng pag-iskor ng kauna-unahang goal ng Pilipinas sa FIFA World Cup. Nagawa niya ito sa ika-24 na minuto ng unang kalahati laban sa host New Zealand.