Mga gustong mag-artista, iniimbita sa acting workshop

Gusto mo bang mapasali sa pelikula? Pero tanungin mo muna ang iyong sarili kung kaya mo ba talagang maging artista o kaya mong harapin ang mga pakikibaka, at kayanin ang responsibilidad ng isang artista sa pelikula o telebisyon?

Kung hindi pa, hasain/patalasin ang iyong kakayahan. Paano? Maari kayong tulungan ng Creative Acting Workshop.

Ang Creative Acting Workshop ay para sa mga naghahangad na maging actor / actress pero walang masyadong budget.

Kabilang na sa mga dumalo sa kanilang klase sa pag-arte noong nakaraan ay:  Bida Man Grand Winner Jim Macapagal; Jannah Bocatiya-Viva Recording Artist ; Jerek Segmaton aka Carrot Man; Aaron Conception-VivaMax new star; Jasper Torres-Viva Max Artist; Jeff francisco-GMA 7 Artist; Nic Galano- Philippine Idol at marami pang iba.

Show comments