^

PSN Showbiz

Maymay at BF na si Aaron, 24/7 nagtatawagan

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Maymay at BF na si Aaron, 24/7 nagtatawagan
Maymay Entrata na si Aaron Haskell

Sa Canada nakabase ang kasintahan ni Maymay Entrata na si Aaron Haskell.

Ayon sa aktres ay talagang mahirap magkaroon ng LDR o long distance relationship. “Sobrang hirap po ng LDR, hindi po madali. Parang kung walang maturity sa relationship, hindi po talaga magwo-work ‘yung LDR. Tapos siya po ay sobrang consistent niya talaga na magbigay ng time. Sobrang OA nito pero 24/7 kaming nagtatawagan. Kahit nagtatrabaho siya nandiyan lang ako natutulog or ako nandito, siya natutulog. Hanggang mag-meet ‘yung time namin saka kami mag-uusap or mag-movie,” pagtatapat ni Maymay.

Kahit nahihirapan ang dalaga ay masasabi naman nitong maayos at masaya ang kanilang relasyon ng nobyo. “Mahirap man pero worth it po siya kasi consistent po siya talaga laging ipaparamdam niya sa akin ‘yung suporta niya. At peace sa puso ko na wala akong dapat ipag-alala sa kung saan man siya naroon basta maging safe lang siya. Pero aside from doon sa mga bagay na mababaliw tayo na, ‘Ano ba?’ O may pagselos, pero wala talaga,” paglalahad ng aktres

Para kay Maymay ay talagang ang pagkakaroon ng tiwala sa isa’t isa ang nakatutulong upang ma­ging matibay ang relasyon ng mga magkasintahan. “Grabe! Kapag may trust ‘yung relationship parang ang dali lang ng buhay,” giit ng dalaga.

Matatandaang umuwi sa Pilipinas ang nobyo ni Maymay nang magdiwang ng kaarawan ang aktres sa ASAP Natin ‘To kamakailan.

JC, sa bundok nagtatanggal ng stress

Mula nang magkaroon nang trabaho ay si JC Alcantara na ang tumayong breadwinner sa pamilyang nakabase sa Nueva Ecija.

Ang aktor ay ang pangatlo sa apat na magkakapatid. “’Yung kuya ko tapos kapatid ko nandito (sa Manila). Alaga ko pa rin ‘yung bunso na nag-school. Tapos ‘yung mga kuya ko pa ‘pag may mga kailangan sa akin lalapit. Nakakapagod pero hindi ka pwede humindi eh. Kasi para sa pamilya mo rin talaga ‘yung ginagawa mo,” bungad ni JC.

Masakit umano para sa aktor na hindi man lamang siya makuhang kamustahin sa Maynila ng kanyang mga mahal sa buhay. Para kay JC ay malungkot ang mawalay sa kanyang pamilya dahil kinakailangang magtrabaho sa Maynila. “Ang masakit lang kasi hindi ka nila nakakamusta. ‘Okay ka ba diyan?’ Nagtatrabaho ka, hihingi lang sila ‘pag may kailangan sila. Nakaka-stress kung mapanood man nila. Pero kasi hindi kami ma-open na pamilya. So hindi ko rin alam kung ano ‘yung side nila. Pero I respect them siyempre mahal ko sila,” pagbabahagi ng binata.

Mayroon na ring ilang ari-arian na naipundar si JC para sa pamilyang nasa probinsya. Ngayon ay nangangarap naman ang aktor na makapagpundar para sa sarili. “Plano ko kasi mag-business and gusto kong magpatayo ng bahay na may nature or something para in case na magbakasyon ako, malayo ako sa stress. May palagi akong pinupuntahan na place sa Bongabon sa amin, basta nature.

“Sa bundok siya, may mga falls. Naghahanap nga ako ng lupa do’n para sa akin. Kahit sa family ko minsan na-stress nga ako kasi ‘yung bawat galaw mo kailangan mo gumastos. Gusto ko ‘yung sarili ko, kailangan ko ng peace na kampante ako na makakagalaw ako.

“Kampante ako na wala akong iniisip, ‘yung sarili ko lang. Gusto ko ‘yung pakiramdam na gano’n, na hindi ko maba-balance sa pamilya. Okay ako na tumutulong ako sa kanila pero ‘pag kasama ko rin sila sa probinsya, siyempre iba,” nakangiting pahayag ng binata. — Reports from JCC

 

vuukle comment

ACTOR

ACTRESS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with