JohnLloyd / Sarah movie reunion, may green light na!

Sarah at John Lloyd
STAR / File

Nagbunyi ang fans nina John Lloyd Cruz and Sarah Geronimo nang makita silang magkasama sa Viva office.

Umaasa silang ito na ang umpisa ng balik-tambalan ng kanilang idolo na may apat na pelikulang pinagtambalan – A Very Special Love, You Changed My Life, It Takes A Man and A Woman and Finally Found Someone.

Taong 2019 ang huli nilang tambalan.

Lahat ‘yun ay box-office hit at kinakiligan talaga ng mga manonood.

Ang kaibahan lang ngayon may asawa na si Sarah at may anak na si John Lloyd.

At kung gagawa siguro sila, hindi na basta lang pampakilig lang.

Kung magtatambal sina John Lloyd at Sarah sa pelikula malabo na nga siguro ang reunion ng loveteam ng aktor at Bea Alonzo.

May kumalat kasi early this year na may gagawin daw reunion movie sina John Lloyd at Bea, pero walang naging follow up dun.

Sabagay, parang mas maraming excited sa John Lloyd - Sarah movie reunion lalo na nga at super successful ang 20th anniversary concert ni Sarah sa Araneta kumpara kay Bea na super extra ang recent exposure sa isang stage play.

Show comments