Liza, tuloy ang self-destruction!

Liza
STAR/ File

Talagang ayaw huminto ni Liza Soberano sa self-destruction na ginagawa niya.

Ngayon naman parang know-it-all na alam niya ang issue tungkol sa loveteam.

Sayang ang maganda niyang career na sinimulan sa Pilipinas na parang sinira niya dahil lang sa Hollywood dream.

Puwede namang ituloy niya ang pangarap niya nang walang sinasabi o walang iwanang issue. Basta lang mag-try siya at sana biglain na lang ang lahat ‘pag nagkaroon siya ng Hollywood project.

Hindi gaya ngayon na naging nega siya dahil sa mga sinasabi niya.

Mahirap talaga ‘pag ganyan para bang alam mo ang lahat, wala ka pang napapatunayan pero ang yabang mo nang magbigay ng komento. Hindi lang si Liza ang sumubok mag-Hollywood dream, marami na at lahat nabigo.

Sana para maiba, magtagumpay si Liza Soberano, at maging successful ang tunay niyang pangalan na Hope.

Pauleen at Ciara, mas piniling mag-tiktok kesa maglaro!

Nakakatuwa naman sina Pauleen Luna at Ciara Sotto. Habang busy ang boys, naisipan na lang nilang sumayaw.

Mas pinili nilang dalawa na sumayaw kesa maglaro ng Chinese game na mahjong. Makikitang naglalaro sa kanilang likuran sila Vic Sotto sa video na ipinost ni Ciara sa TikTok. Nainip na siguro sila sa paghintay na matapos ang mga ito kaya naman nilabas nila ang dance moves nila.

Kakatapos lang magselebrayt ni Vic ng kanyang birthday at laking pasasalamat nila nang gumaling ito sa COVID.

Ang ganda talagang tingnan ng pamilya nila na lutang na lutang ang pagiging close.

Anak naman nina Tito Sotto at Helen Gamboa si Ciara.

Nakakainggit ang pamilya nila lalo na tuwing nakukumpleto ang buong pamilya ng mga Sotto. Bongga.

Show comments