Park Seo-Joon, lumabas na sa Marvel trailer

Park Seo-Joon
STAR/ File

Uy lumabas na ang unang trailer ng Hollywood film ng Korean actor na Park Seo-Joon, The Marvels.

Ito ay sequel ng Captain Marvel na pinagbibidahan nina Brie Larson, Iman Vellani, Teyonah Parris, at Samuel L. Jackson.

Walang confirmation noon ang agent ng Korean actor sa magiging role nito sa nasabing Hollywood film pero may idea na ang kanyang fans kaya’t pinagkaguluhan ito sa online world.

Sinasabing ang The Marvels ay nakatakdang ipalabas sa mga sinehan sa Nov. 10.

Kasama sa mga sikat na Korean drama ni Park Seo-Joon ang Itaewon Class at What’s Wrong with Secretary Kim.

Show comments