Enchong, transgender na!

Enchong
STAR/ File

Natanong ang Kapamilya actor na si Enchong Dee sa mediacon ng isa sa entries ngayong 2023 Summer Metro Manila Film Festival na Here Comes The Groom sa role niyang transgender.

Eh nagkaroon ng soul swapping ang main characters ng movie at ang role niyang lalaki ay napunta sa trans na si Kaladkaren.

“Bale may pangyayari sa buhay natin na unexpected. I was shattered!

“When things started to fall. Eh since nandito na ako sa side na ito ngayon, I want to surprise my audience so that they will appreciate my craft.

“They will look at me as an actor. Whatever happened in the past, I will look forward!

“Whatever happened to me in the future, nasa akin na ‘yon. Hindi ko hahayaang nasira ‘yon coz of what something happened in the past!” rason ni Enchong.

Hindi na sinabi pa ni Enchong kung anong experience sa nakaraan ‘yon pero sabi niya. “Siguradong alam ninyo ‘yon!” sabi pa ni Enchong.

Sa tulong ni Kaladkaren sa movie na dating Jervy sa Eat Bulaga na naging tutor ni Enchong, naitawid niya nang husto ang character sa movie na tiyak na magbibigay sa kanya ng best actor award.

“Maaga pa magsabi pero bonus na lang po ‘yon,” reaksyon ng aktor.

Mula sa panulat at direksiyon ni Chris Martinez ang Here Comes The Groom na sequel ng hit movie ni Angelica Panganiban na Here Comes The Bride mula sa Quantum Films.

Show comments