Kathryn, daring na!

Kathryn Bernardo

Dalawang pelikula ang nakatakdang gawin ni Kathryn Bernardo ngayong taon.

Magbibida ang aktres sa A Very Good Girl kasama si Dolly de Leon at sa historical film na Elena 1944. “It’s such an honor because I will be working, she agreed to work with me, with the one and only Ms. Dolly de Leon. For sure marami akong matututunan sa kanya. I can’t wait to meet her again. Sinabi niya pala na nagkasama na kami years ago when I was younger before pa but was very short lang. Now, I am looking forward na mas makatrabaho siya nang matagal at mas makilala siya. What a great honor na gumawa at nabigyan niya ako ng oras,” nakangiting pahayag ni Kathryn.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na makakatrabaho ng aktres si Petersen Vargas bilang direktor ng A Very Good Girl.

Si Kathryn umano ang personal na pumili sa direktor upang gumawa ng kanyang bagong pelikula. “I feel like he is the perfect director to guide me in this movie. So I am really excited na makatrabaho siya for the first time,” giit niya.

Samantala, isang comfort woman naman ang karakter na gagampanan ni Kathryn sa Elena 1944. Apat na taon na ang nakalilipas nang unang ialok sa dalaga ang naturang proyekto ni Olivia Lamasan.

Hindi pa raw nakahanda ang aktres noon na magpaka-daring sa isang proyekto kaya hindi ito tinanggap. “No’ng pinitch ‘yon nandoon ‘yung takot. Marami ka pang kailangang kausapin at i-consult kasi hindi pa ako ready for these kinds of roles. But then parang universe made a way. So na-stop muna ‘yung project na ‘yon, it was there. I was happy na hindi pa siya ginawa, nandiyan lang siya. Then pinitch nila ulit sa akin. I turned 27 (years old) and mas ready na si Deej (Daniel Padilla), mas ready na si mama. ‘Yung fans most especially, ready sila and ako personally alam ko no’ng tinanong ako ni Inang (Olivia Lamasan) na parang gusto ko na siyang gawin. Kasi buo na ang puso ko na gawin siya. Perfect kung kailan naman siya ipapalabas. It’s a very nice project,” paliwanag ng aktres.

Aljon, aminadong nahirapang maging artista

Nagsimula bilang housemate si Aljon Mendoza sa Pinoy Big Brother: Otso edition noong 2019. Pagkalabas ng Bahay ni Kuya ay kabi-kabila na ang naging proyekto ng binata. Sa loob ng apat na taong pananatili sa show business ay masasabi raw ni Aljon na hindi madali ang trabaho ng isang artista. “Mahirap maging artista kasi kailangan mo mag-invest sa time, sa pera mo. Kailangan mo talaga mag-exert ng sobrang effort. Kailangan mong triplehin ang effort mo. Kasi ang daming artista, mahirap mapansin, mahirap mabigyan ng projects if wala kang ginagawa,” makahulugang pahayag ni Aljon.

Para sa aktor ay kailangang pagsumikapan nang husto kung mayroon kang nais marating sa buhay. “Ang lear­nings hindi talaga ‘yan matatapos. Habang humihinga ka ay gawin mo ang part mo. Kung gusto mong may maabot, kumilos ka. Hindi pwedeng nagdadasal ka lang, siyempre nakakatulong ‘yon. Pero sabi nga, ‘Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.’ Iga-guide ka Niya as long as wala kang tinatapakang tao,” dagdag pa ng binata.

Ayon kay Aljon ay importante ang pagbibigay ng respeto sa lahat ng mga katrabaho. “Respeto ang pinakamahalaga, hindi lang sa co-actors, directors, staff, utility, sa lahat ng nakakasalubong mo. Kasi sa akin mas humahanga ako sa kanila. Mas pagod sila sa atin. Halimbawa sa taping, mas una silang pupunta sa set at huli silang makakapagpahinga. Ang laking bagay noon at siyempre ang tagal na nila sa industriya. Malaki ang respeto ko sa kanila,” paliwanag ng aktor. Reports from JCC

 

Show comments