^

PSN Showbiz

Rey Valera, nilantad ang pinaghugutan ng mga sikat na kanta

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Rey Valera, nilantad ang pinaghugutan ng mga sikat na kanta
Rey
STAR/ File

Mapapanood sa gaganaping Metro Manila Summer Film Festival ang ‘pinagmulan’ ng mga sikat na kanta ni OPM icon Rey Valera.

Pinagbibidahan ito ni RK Bagatsing.

Ayon kay Mr. Valera, magbibigay ito ng inspirasyon sa lahat ng mga mga manonood, kung paano niya nabuo ang bawat kanta na ilan sa pinakasikat at touching na Original Pilipino Music na tumatak sa lahat ng music lover.

Naging theme song ng bawat Pilipino ang kanyang kanta noon dahil sapul sa bawat pinagdaraanan ng marami ang lyrics nito.

Sa pelikulang Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko (The Music of Rey Valera), pumili siya ng 14 songs sa ‘di mabilang na OPM hits upang mabuo ang proyektong ito na dinirek ni Joven Tan.

Kasama naging bahagi ng buhay ng bawat isang Pinoy ang Kahit Maputi na ang Buhok Ko, Malayo Pa Ang Umaga, Mr. DJ, Pangako sa Yo, Kung Tayo’y Magkakalayo, Maging Sino Ka Man, Kung Kailangan Mo Ako, Tayong Dalawa, Ako si Superman, and some of the greatest hit na kinanta ni Rico J. Puno.

Kasama ni RK sa pelikula – in alpabetical order sina Aljur Abrenica, Rico Barrera, Gelli de Belen, Josh de Guzman, Christopher de Leon,  Lotlot de Leon,  Jenine Desiderio,  Meg Imperial, Ronnie Lazaro, Gian Magdangal,  Carlo Mendoza, Ara Mina, Arlene Muhlach,  Pekto Nacua, Eric Nicolas, Dennis Padilla,  Epy Quizon, Arman Reyes, Ariel Rivera,  Ricky Rivero, Rosanna Roces, Lloyd Samartino, Shira Tweg, Lou Veloso, and Gardo Versoza.

Though ayon kay Direk Joven Tan, as of yesterday, ang bilang ng mga kasaling pelikula ay 60. Kasama sa bilang niya ang mga star na may special participation sa Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko (The Music of Rey Valera).

Habang sinusulat namin ito ay ginaganap ang preview ng pelikula na dinaluhan ni Mr. Valera.

Sikat na personalidad at ex ng aktor, nagkaroon ng mabilisang relasyon

Nagkaroon din pala ng mabilisang relasyon ang isang sikat na personalidad at ex-wife ng isang actor.

Ayon sa narinig kong kwento, isa ito sa mga naging rason kaya naghiwalay noon ang actor at misis niyang aktres din.

Ang akala raw ng aktres ay hindi ito alam ng mister niya pero nadiskubre raw ito ng dating asawa. Hindi na lang umiimik noon ang aktor sa ginawa ng misis na malamang daw ay nadala rin sa mga ‘kalandian’ ng sikat na lalaking personalidad.

vuukle comment

REY VALERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with