^

PSN Showbiz

‘Be grateful’

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Ang pinakamagandang ugali sa lahat ay ‘yung grateful ka sa mga ginawa sa iyo, gaano man kaliit ‘yun. Iyon bang hindi ka nakakalimot sa ginawa sa iyo ng mga tao para marating mo kung nasaan ka man ngayon.

‘Yung ugali na iyon ang rason kung bakit pagdating ng oras na ikaw naman ang may kailangan, tiyak mo na marami rin ang tutulong sa iyo.

Hindi puwede na isipin mo na ok ka lang mag-isa dahil kasabihan nga na no man is an island. Kahit isang tao lang ang kaibigan mo dapat meron ka.

Malaking tulong na may isang kaibigang handang gawin ang lahat para sa iyo.

Malaking bagay iyon para tumibay ka. Kaya naman treasure your friends. Keep them in your heart.

Magkaroon ka ng isang loyal friend para na rin may precious gem ka sa tabi mo. Kaya love ko sina Gorgy Rula at Salve because I feel safe with them around me.

And’yan sila para sa akin.

They are my precious gems. Bongga ang precious gems.

Ganito dapat ang ugali ng mga tao. ‘Wag maging ungrateful.

Sen. Angara, madaling lapitan!

Para sa pamilya ng mga kasama ko sa bahay na sina Mel at Celia, , hero si Senator Sonny Angara. Madalas kasing humingi ng favor lalo na sa education ng kanyang mga pamangkin sina Celia at Mel kay Lynette na PR/media connect ni Senator Angara.

At tuwing meron silang favor, talagang dahil kay Lynette napagbibigyan ng mabait na Senator Sonny Angara. Talagang napakabait at totoo ang mga ipinangako ni Sen. Angara na pagtulong sa edukasyon ng mga kabataan.

Ay naku, hindi ako magtataka kung bakit mahal na mahal ng pamilya ni Mel si Senator Sonny Angara, kasi nga patunay ang mga tulong na ibinigay niya sa pamilya nito.

vuukle comment

SONNY ANGARA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with