^

PSN Showbiz

Pokwang, bitter na bitter sa hiwalayan nila ng ex

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Pokwang, bitter na bitter sa hiwalayan nila ng ex
Pokwang at Lee
STAR/File

Naku ayaw ko na sanang sumawsaw sa issue ni Pokwang at ng ex-partner niyang si Lee O’Brian ba iyon? Pero talagang sawsawera ako kaya heto na naman, hah hah.

Alam mo ba na napaka-cheap ng dating ng mga sinasabi ni Pokwang dahil para bang bitter na bitter siya sa hiwalayan nila. Para bang hinahabol pa niya ang ex dahil ayaw niyang tumigil mag-comment tungkol dito.

‘Di ba mas classy sana na wala lang, ok lang, go kung go. Kasi ‘pag nagbigay ka pa ng comment hahaba pa, eh kung talagang wala ka nang paki, ‘di tahimik ka lang.

Hindi sumasagot si ex, walang reaction, so ibig sabihin mas naka-move on ito kesa kay Pokwang. Kaya kung ako si Pokwang chill lang, tahimik lang, wah na comment.

Mas maganda pa iyon para sa kanya, mas magiging class pa siya. Tutal may career pa siya iyon na lang harapin niya, snob na niya issue tungkol sa ex at sure ako mas bongga pa siya ‘di ba.

Richard, seryoso sa pagiging action star

Naku sobrang kulit ni Jun Lalin dahil gandang-ganda siya sa mga eksena ni Richard Gutierrez sa The Iron Heart.

Hindi raw niya talaga akalain na mahusay sa action si Richard at kayang-kaya ang mahihirap na action scenes.

Totoo naman na talagang tutok si Richard Gutierrez sa lahat ng eksena ng Iron Heart kaya naman na-maintain ang ganda ng mga eksena.

vuukle comment

LEE O’BRIAN

POKWANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with