^

PSN Showbiz

Ruru, inangkin na si Bianca!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Ruru, inangkin na si Bianca!
Ruru Madrid
STAR/File

Ang sweet naman ng birthday message ni Ruru Madrid kay Bianca Umali para sa ika-23rd birthday nito.

Todo-todo ang deklarasyon ng actor ang kanyang pagmamahal sa mahabang caption nito bilang pagbati sa aktres. Talagang damang-dama ng netizens ang pag-ibig niya sa dalaga.

“Araw-araw ipagpapasalamat ko sa panginoon na ikaw ang binigay niya sa akin. Araw-araw pipiliin kong mabuhay dahil ikaw ang makakasama ko. Araw-araw di ako magsasawang sabihin sayo kung gaano ako kapalad na ikaw ay sa akin at ako ay sa iyo.”

At tinapos niya ang caption sa “Araw-araw sasabihin ko sayo na ‘Mahal kita.’ Maligayang kaarawan, Mahal ko.”

Nag-comment naman si Bianca bilang sagot sa boyfriend, “Mahal na mahal kita, mahal ko.”

Lantaran na talaga ang relasyon nila.

Wala na nga naman silang dapat itago.

Kaya naman kilig na kilig ang fans sa kanilang dalawa at marami ang nainggit sa pagiging sweet ni Ruru.

Wish pa ng mga ito na sana ay sila na nga ang magkatuluyan dahil bagay na bagay ang The Write One stars.

Bongga.

Kaloka ha naunahan pa nilang umamin sina Coco Martin at Julia Montes. Sila ang hinihintay kong maglantad ng pagmamahalan dahil hindi na sila mga bata.

Matatanda na sila at walang-walang masama kung outright ang pag-amin nila sa kung anumang relasyon nila at hindi pabebe na ‘what you see is what you get.’

Parang ‘di na uso ang ganun. Ibang panahon na ngayon.

Hahahaha.

Hmmmpp.

vuukle comment

BIANCA UMALI

RURU MADRID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with