^

PSN Showbiz

Matteo, itutuloy na ang kontrata sa GMA!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Matteo, itutuloy na ang kontrata sa GMA!

Wala kaming nakuhang sagot mula sa Entertainment Group ng GMA 7 tungkol sa inaayos na pagpirma ni Matteo Guidicelli sa Kapuso network.

Nakita lang sa Instagram account mismo ni Matteo ang meeting nito sa ilang executives ng GMA 7 na sina Senior VP Atty. Annette Gozon-Valdez at Ms. Joy Marcelo ng Sparkle.

Nandun si Boss Vic del Rosario ng Viva Entertainment na siyang nagha-handle kay Matteo. Kaya mukhang matutuloy na finally ang pagiging Kapuso ng dating Kapamilya actor.

Maaring nasa Switzerland na si Ma’am Annette para sa taping ng Unbreak my Heart. Pero ang narinig lang namin ay nasa GMA Public Affairs daw ang unang project na gagawin ni Matteo pero wala pa silang nabibigay na detalye.

Abangan na lang natin.

Samantala, lalong bumobongga nga­yon ang GMA News at ang Public Affairs department.

Bukod sa ilang drama series na ginagawa nila, pinasok na rin nila ang movies.

Sa Public Affairs pala itong pelikulang The Cheating Game na pinagbibidahan nina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz.

Maganda raw ang material, at sana nga tatangkilikin ito ng sambayanan.

Marami pa raw silang naka-line up at maaring isa na nga rito ang kay ­Matteo Guidicelli.

Imelda Papin, isasapelikula ang buhay

Sinuportahan ng dating Vice Governor ng Camarines Sur na si Imelda Papin ang mediacon ng FB seryeng Roommate na napapanood na ngayon sa Official Facebook page ni Direk Gabby Ramos.

Malapit na kaibigan pala ni Imelda ang magulang  ni Beaver Magtalas na sina Konsehal ng Palayan City na si Alvin Magtalas at Filipinas Magtalas. Kaya dumaan siya roon sa mediacon nung nakaraang Sabado sa Luxent Hotel.

Sandaling nakatsikahan siya roon ng ilang entertainment press, at nakuwento niyang gagawin niyang pelikula ang kanyang life story.

Ang tentative title ay Loyalista: The Untold Story of Imelda Papin.

Ang balak niyang gaganap bilang si Imelda Papin ay ang mismong anak niyang si Maffi.

“This is a revelation. It’s all about love, kung paano mo sinuportahan ang isang kaibigan when he was down, yung ganun. And I was there.

“Of course a lot of people were there for them. Tapos yung love for humanity, for family, for our country. Diyan nagre-revolve ang story.

“Ire-reveal ni Imelda Papin ang hindi nyo pa nalalaman! Basta, surprise! Ilalahad ko yun,” natatawang pahayag ni Imelda Papin.

Ngayon pa lang daw niya susubukang mag-produce para makatulong sa ating movie industry.

“First time kong magpo-produce ng movie but this will continue dahil gusto kong mas maraming matulungan sa movie industry this time, na face-to-face na tayong lahat.

“Kaya kailangan marami pang ma-encourage na mga producer, new producer or dati nang mga producer, to produce more movies para mabigyan ng hanapbuhay ang mga kasamahan natin dito sa industriya, lalo na po dito sa Katipunan ng mga Artistang Pilipino sa Pelikula at Telebisyon, o Actors Guild, of which I am the president.

Meron daw nagkakainteres na makipag-co produce pero pinag-aaralan pa raw niya.

Hindi kaya may partisipasyon dito ang pamilya Marcos dahil sa Loyalista na title?

Ang sabi lang ni Imelda, kasali raw dito si Amay Bisaya, para makita nilang buhay na buhay ito.

“Makikita nyo siya sa movie na ito. So, buhay na buhay!” napapangiti niyang pahayag.

vuukle comment

MATTEO GUIDICELLI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with