Alfred, nakuha sa lambing ang National Artist!

Alfred at Nora Aunor

Malaki ba ang tf ni Ate Guy (Nora Aunor), tanong namin kay Councilor Alfred Vargas na producer din ng pelikulang Pieta na pagbibidahan nila nina Gina Alajar?

“Yeah, dapat ano talaga what she deserves kasi iisa lang ang Ate Guy.

“Pero talagang nagbigay din naman siya ng konsideras­yon,” dagdag ng pulitikong aktor.

Patuloy ngang china-challenge ni Alfred ang kanyang sarili bilang aktor at producer with his new project na mag-uumpisa na ang shooting within this month.

Ano ‘yung preparation niya sa ‘panliligaw’ kay Ate Guy?

“Secret weapon ko si Direk Adolf (Alix) kasi naging close kami ni Direk Adolf. Hindi ko alam na close na close pala sila ni Ate Guy. So doon pa lang malaki na ‘yung advantage pero tingin ko ‘yung clincher talaga ‘yung materyal saka role ng lahat ng character lalo na ‘yung role ni Ate Guy. And sabi sa akin ni Ate Guy first time niyang gaganap na bulag so doon siya nacha-challenge. I think isa ‘yun sa nagpaengganyo sa kanya. Saka kasama na dun ‘yung lambing ko. Malambing ako eh. Sabi nga ni Kuya Lhar (Santiago of GMA) kanina, ‘isang Alfred Vargas ang nakapagpabalik,’ ‘di ba so wow.”

Gagampanan ni Alfred ang role ni Isaac na pinagbintangang pinatay ang ama noong bata-bata pa siya.

Kaya’t paglaya niya, gusto niyang diskubrehin ang katotohanan.

Gagampanan ni Ate Guy ang role ni Rebecca na inang bulag ni Isaac (Alfred) habang si Gina ay si Beth na naging devoted friend ni Rebecca.

Pareho nilang first time ni Ate Guy na gaganap sa kani-kanilang gagampanang role.

Kelan ang umpisa ng shooting?

“Siguro 13th or 14 this month, mag-umpisa na kami.

“Showing baka middle of this year pero baka nga umabot ng Mother’s Day. Pero si Direk Adolf kasi in demand din sa mga pelikula niya sa mga international so we might go that.

“Tatapusin namin ‘yung pelikula tapos kung ano ‘yung ibigay ng Panginoon dun tayo. Isasali natin (sa iba’t ibang international filmfest), ia-apply natin kung saan tayo matanggap, kung saan tayo unang tanggapin doon tayo. I’m so happy na meron akong film with Nora Aunor and Gina,” proud pang pahayag ng aktor tungkol sa mga plano nila sa pelikulang Pieta.

Bukod dito, may mga naka-line up pa bang pelikula this year si Alfred na siya rin ang producer?

“Meron na tayong naka-line up pero syempre one movie at a time and syempre kung ano ‘yung puhunan natin dito ‘yun din ang pinapangtulong natin kapag bumalik na, so hopefully mas mabilis na siyang bumalik despite pandemic,” na ang tinutukoy ay ang kanyang puhunan.

Suwerte naman ang pakiramdam niya na nakatrabaho niya ang National Artist at Superstar. “Well unang una sobrang I feel so lucky na I’m playing this role kasama si Ate Guy, our national artist saka syempre Noranian ako. Talagang nandun talaga ‘yung kaba pero nandun din ‘yung excitement kaya ako ibibigay ko talaga lahat ng kaya ko.

“Ibibigay ko lahat ng puso ko kasi the fact na makakasama ko si Ate Guy na pangarap ng lahat ng artistang Pilipino, eh ako natupad ko ‘yan sa project and I want to give my best, and inspired ako na gawin ‘to.”

Pero tatapusin muna niya ang taping ng Kapuso teleserye ng AraBella. “So after nun siguro, a few weeks tapos rorolyo na kami.”

Kaya ba siya pumayat dahil sa pelikulang ito?

“Sinabay ko na rin sa AraBella kasi napansin ko nung lumabas ako sa Unica Hija medyo ano malusog pa ako so nung nakita ko ‘yun sa TV talagang nag-ano na ako after kasi kasunod agad nun AraBella.

“Ngayon I need to lose 5 to 7 pounds pa. Kasi ‘yung role ko rito ex-convict kaya medyo kailangan.”

Gumanap ka na dating ex-convict?

“Hindi pa. This is my first time to portray an ex-convict na kakalaya lang tapos 25 years akong nakulong at hindi ko na alam ‘yung bagong mundo at saka hahanapin ko ‘yung nanay ko,” kuwento pa ni Coun. Alfred.

Lagi nang kasama...

Show comments