Boy Abunda, sumabak sa compañero... kasama sina senators Alan at Pia
Mapapanood na ang pangalawang programa ni Boy Abunda sa GMA 7. Yes, hindi na lang siya sa Fast Talk with Boy Abunda mapapanood.
Pero this time, kasama niya sina Senators Alan Peter and Pia Cayetano na aminadong ninerbyos but very excited ahead of airing ng pilot episode ng programang CIA with BA – Cayetano in Action with Boy Abunda – on GMA 7 ngayong Linggo ng gabi.
“There is a lot that hinges on that first episode so may kaunting kaba. But we are also very excited for the show,” ayon sa pahayag ni Sen. Alan sa isang press statement.
“This is another avenue for us to help our kababayans, and we are eager to see where this leads us,” he added.
Ganito rin ang sinabi ni Senator Pia kung saan nabanggit niyang noon pa man ay ramdam na nila ang bigat ng pamana ng kanilang ama, ang yumaong dating Senador na si Rene Cayetano, na kilala ng maraming Pilipino bilang orihinal na Compañero. “Kami ni (Senator) Alan, we have very big shoes to fill, lalo’t dala namin ‘yung name na Cayetano. Our dad is practically synonymous with public service for many Filipinos, and this is us paying homage to that legacy,” pahayag pa ng senadora.
“We are grateful to Tito Boy for joining me and Senator Alan in this new endeavor. It is an honor to work with someone like him na talagang batikan na sa media,” pag-amin pa ni Sen. Pia.
Nakipagsanib-puwersa sa King of Talk Boy Abunda ng bansa ang magkapatid na Cayetano para magbigay nga ng legal na payo sa mga Pilipino sa isang bagong late-night public service program.
Featuring the second-generation Compañero and Compañera, CIA with BA will air every Sunday from 11:30 p.m. to 12:30 a.m.
Bubuhayin nito ang sikat ng current affairs radio talk show na Compañero y Compañera na tumakbo mula 1997 hanggang 2001 na pinangunahan ng kanilang yumaong ama, ang magkapatid na Senador ay tutulong sa mga nagtatalo na partido na walang access sa mga serbisyong legal na malutas ang kanilang alitan o conflict mula sa legal na pananaw.
Ang programa na may mayroong live studio audience ay mag-uumpisa sa segment na Payong Kapatid, kung saan diringgin ng magkapatid na senador ang consulting party, i-a-assess ang kanilang isyu, at magbibigay ng payo.
Tutulungan din nila ang magkalabang partido na magkaroon ng settlement sa Case 2 Face segment in a courtroom setup.
Habang makakasama nila si tito Boy ang isang community ng mga opinionated at witty professionals, na tinaguriang Mari-Team.
Meron din silang segment na tatawaging Salamat na kikilalanin at bibigyan ng ang mga selfless individual who have done a good deed to a fellow Filipino.
At magtatapos ang programa sa Alan, Pia, Pik! and Pachinko, na umano’y fun segment kung saan mamimigay sila ng mga papremyo sa audience participants.
- Latest