^

PSN Showbiz

Richard, hanggang tikim lang sa litson kaya may abs!

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Richard, hanggang tikim lang sa litson kaya may abs!
Sarah at Richard

In fairness, ang bongga ng sabay na pagwo-workout ng mag-asawang Richard Gutierrez at Sarah Lahbati.

Sa bakasyon nga nila ngayon sa Boracay, parehong nag-flex ng kanilang katawan ang mag-asawa.

Si Sarah, naka-two-piece at may pa-abs naman si Richard.

Marami nga ang hanga sa katawan ng mag-asawa.

Si Richard, hindi masyadong nagpapakita ng kanyang abs, kaya naman marami ang napa-wow sa kanyang abs, huh!

Eh, batak din kasi ngayon si Richard lalo na kapag nasa taping ng The Iron Heart ng ABS-CBN. Dahil sa rami ng kanyang action scenes, mas lalo pang gumaganda ang kanyang katawan.

Kahit nga panay ang padala ng nanay niyang si Annabelle Rama ng lechon sa set ng The Iron Heart, patikim-tikim lang naman si Richard, kaya maintain na maintain niya ang kanyang katakam-takam na abs, ‘noh?!

Anyway, hanggang ngayon na lang sina Richard at Sarah, pati ang mga anak na sina Zion at Kai sa Boracay.

Bukas naman ng early morning ang flight ni Richard pa-Cebu para sa taping ng The Iron Heart.

And speaking of his action-drama series with Albert Martinez, Jake Cuenca, Sue Ramirez, Sofia Andres and now Ian Veneracion, sobrang thankful si Richard dahil grabe ang suporta sa kanila ng viewers, hindi lang sa free TV like TV5 and A2Z, pati sa lahat ng platforms ng Kapamilya Network ay sinusundan sila.

Grabe rin ang feedback lalo na sa action scenes nila na hindi tinitipid at bigay na bigay sila, kaya naman marami ang humahanga sa The Iron Heart.

So bongga!

Ruffa, Kathryn etc., bibiyahe sa ibang bansa

Dahil nag-post na nga sina Ruffa Gutierrez, Kathryn Bernardo at iba pang female stars ng The House Arrest Of Us na magta-travel sila abroad, marami tuloy ang nangungulit sa akin para alamin kung saan ang punta ng grupo.

Noong isang gabi ay nag-reunion ang female stars ng The House Arrest Of Us at nai-share nga nila sa social media na napagkasunduan nila na mag-abroad naman na magkakasama.

So, kahapon, kinulit-kulit ko si Ruffa at nasa family lunch nga raw siya. “We don’t know yet where and when ang abroad namin,” sey niya.

Pag-uusapan pa lang daw nila.

‘Yun na!

vuukle comment

RICHARD GUTIERREZ

SARAH LAHBATI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with