Nag-iipon para sa dream house... Paolo, ngayon lang nag-mature!

Nasa news si Paolo Contis. Very revealing kasi ang mga naging sagot niya sa mga tanong ni Boy Abunda sa programang Fast Talk.

Katawa ‘yung pinili niya ang Yen kesa Dollar, hah hah. Very witty kasi si Paolo kaya maganda ang humor niya. Parang pinili niyang sumama kila Gorgy sa Japan kesa sa inyong dalawa ni Lynette at Salve sa Europe, hah hah. Bongga talaga, ‘di bah.

Kahit nga si Paolo parang ngayon lang naisip na matagal nang dapat meron siyang house and lot pero hindi niya nagawa dahil may pagka-immature pa siya noon. Parang ngayon lang siya naging responsible kaya hindi pa huli para makapagpundar siya at makabili ng house and lot.

Sa tamang panahon makukuha mo ang mga nasa bucket list mo kaya unti-unting magagawa iyan ni Paolo.

Siguro ngayon lang dumating sa utak niya kaya ngayon lang niya hinangad. Sana nga makapag-ipon na at makabili ng house and lot si Paolo, not only for him but for his future family. At alam naming magagawa iyan ni Paolo dahil masipag siya at responsible actor.

Go Paolo, get mo na ang dream house mo para invite mo kami sa blessing ng house mo na tiyak naming magiging bongga dahil maganda ang taste mo.

Pagkaadik sa panonood ng koreanovela, nakakasira ng schedule

Naku parang balik addict na naman ako sa Koreanovela, ha. Talagang tanghali na ako nakapagsulat ng kolum dahil lang sa kapapanood ng mga serye ‘pag umaga.

‘Kaloka talaga, bawas yaman dahil sira ang sked mo dahil sa panonood.

Nagagalit si Salve dahil late ang kolum ko, hah hah. Pero siguro ‘pag oldie ka na tulad ko talagang madali nang ma-distract ang mga bagay sa iyo. Unlike ‘pag bata ka na focus sa mga bagay na gusto mong gawin, now konting bagay lang distracted ka na.

Pero in fairness, talaga namang parang ang bilis ng oras at araw kaya talagang hindi mo napapansin kung minsan na ang heto, kalahati na ng araw ang lumipas.

Show comments