Jane, nag-last taping day ulit!

Naku, Ateng Salve, heto na ang latest mula sa co-manager ni Jane de Leon na si Tyrone Escalante. Kahapon ay may taping pa pala ang Darna, huh!

‘Kaloka! Noong una kasi, akala ni Tyrone ay last taping na talaga ni Jane for Darna noong Tuesday, pero bigla nga siyang nag-message sa akin na nag-taping uli kahapon ang kanyang alaga.

So, sure ba na last taping na kahapon? “Sana!,” ang sey na lang niya.

Well...

Regine, consistent sa pagiging matulungin

Abala na si Regine Velasquez-Alcasid sa pagpo-promote ng Solo concert series niya on Feb. 17, 18, 24 & 25 sa Samsung Performing Arts Theater sa Circuit Makati, pero matutuwa ka sa misis ni Ogie Alcasid dahil hindi siya madamot sa kapwa niya singers.

Panay rin kasi ang promote ni Regine ng Gary V. Reenergized Manila ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano.

May iba kasi na basta may proyektong ipino-promote ay hindi magpo-promote ng ibang proyekto ng kumbaga ay katapat.

Pero iba nga si Regine! Magaling siyang makisama. Actually, pati sa baguhang singers ay matulungin si Regine. Maraming mga singer na sa first big concert nila ay siya ang special guest.

Alam mo ba, Ateng Salve, noong 2007 na nabalitaan ni Regine na nagpo-produce ako ng special shows sa Zirkoh, sinabihan niya ako na iprodyus ko rin siya roon at hindi siya maniningil ng talent fee.

Ganoon kabait ang Asia’s Songbird, ni hindi mo kailangang lapitan siya dahil siya mismo ang mag-o-offer na tumulong sa ‘yo.

Kaya naman maraming nagmamahal sa kanya, huh!

Pops, suki ng resort ni manong Chavit

Isa si Pops Fernandez sa hosts mamaya ng Star Awards for Television ng PMPC.

In fairness to Pops, ginawan talaga niya ng paraan na mapagbigyan ang Philippine Movie Press Club dahil kahit nasa Ilocos Sur siya, babalik siya ngayon ng Maynila para makapag-host nga ng nasabing event.

Nagpunta si Pops sa resort ni Manong Chavit Singson kasama si Vina Morales, ang BFF niyang si Ms. Cora de Guzman, at ang kanyang pamilya para mag-shoot para sa kanyang vlog.

Bonding din daw ‘yon with her family dahil aalis na naman siya ngayong February dahil raratsada na naman siya sa ilang shows doon.

Anyway, makakasama ni Pops sa Star Awards for Television sina Lani Misalucha, Aiko Melendez, John Estrada at Kuh Ledesma. Gaganapin  sa Winford Manila Resort and Casino.

‘Yun na!

Show comments