Anjo, inaming ‘di pa sila nagkakasundo ni Jomari!

Janno Gibbs at Anjo Yllana

‘Katuwa ang samahan nina Janno Gibbs at Anjo Yllana, Ateng Salve. Hindi lang sila basta best of friends, parang brothers talaga ang turingan nila.

Actually, nang makachikahan ko kahapon si Janno sa presscon ng Hello, Universe! ng Viva Films, inamin niya na noong nagkaroon siya ng depression (na hindi naman niya inilihim), isa si Anjo sa palaging nando­roon para sumuporta sa kanya at never din daw natigil ang komunikasyon nila kahit pa nga may mga panahon na wala naman silang projects together.

Grabe raw ang naging suporta ni Anjo kay Janno, na ipinagpapasalamat naman ng mister ni Bing Loyzaga.

Thankful din ang komedyante na tinanggap din ni Anjo ang Hello, Universe! na siya ang pinakabida. Sabi naman ni Anjo, hindi raw issue sa kanya kung support man siya ng kaibigan sa pelikula.

At ngayon may pini-pitch daw siyang project kay Boss Vic del Rosario para sa isang pelikulang pagsasamahan nila ni Anjo. “Reboot” daw ‘yon ng Ober da Bakod sitcom nila noon sa GMA 7 na ilang beses na rin nilang nagawang pelikula.

Bongga!

Samantala, after naman ng presscon ng Hello, Universe! ay inusisa ko si Anjo kung totoong hindi pa rin sila okey ng kapatid niyang si Jomari Yllana?

Aminado si Anjo na hindi pa sila nag-uusap ni Jomari, pero hindi naman niya masasabing magkaaway silang magkapatid.

Sa dialogue nga ni Anjo, mukhang may possibility na very soon ay maging maayos talaga sila ng kapatid niyang actor-politician.

Actually, nang binabanggit ko nga ang pangalan ni Jomari kay Anjo ay wala naman siyang pahiwatig na may problema sila.

Sana nga, Ateng Salve, maging okey na talaga sina Anjo at Jomari, ‘noh?!

PBB alumna na nag-Japan, babalik na

Matagal-tagal na ring nasa ibang bansa ang aktres na ito na produkto ng PBB (Pinoy Big Brother) ng ABS-CBN.

Naapektuhan siya ng COVID-19 pandemic at dahil wala namang showbiz project, nag-decide na pumunta na lang sa Japan at magtrabaho roon.

The latest we heard, babalik na raw sa ‘Pinas ang PBB alumna na ito. May project na nga raw na naghihintay para sa kanya.

Naku, isa siya sa madalas na mag-trending sa social media noong active pa siya sa showbiz, for sure, ngayong mag-aartista na uli siya, ikatutuwa ‘yon ng kanyang followers.

‘Yun na!

Show comments