Panlalalaki sa abroad ng aktres nahuli ng asawang negosyante!

MANILA, Philippines — Malalim pala ang rason kung bakit nagkahiwalay ang mag-asawang isang taga-showbiz at isang hindi.

Nahuli pala ng lalaki ang babae na may kasamang lalaki nang minsang magpunta ito sa ibang bansa.

Eh abala rin sa negosyo ang lalaki kaya balewala lang sa una ang ginawa ng asawa. Eh nang matagalan ang asawa, nagduda na siya.

So walang pasabi-sabi sa asawa na sinundan siya sa abroad at sa pagsunod niya sa asawa, natuklasan ang hindi magandang pangyayari sangkot ang asawa at ang isang lalaki, huh!

Pisngi ni Kris, may laman na

Masayang-masaya ang fans ni Kris Aquino sa malusog na pisngi niya nang ilabas ni Mark Leviste ng Batangas ang picture nila ni Kris sa kanyang Instagram.

May laman na ang pisngi ni Kris ngayon. Hindi na ito gaya nang nailabas niya na humpal ang pisngi dahil sa kanyang sakit.

Eh kahit hindi naman gusto ng lahat si Kris, mas marami naman siyempre ang natutuwa at hindi na gaya ng dati ang hitsura niya, huh!

Kung gagaling nang husto si Kris, may puwang naman siya sa mundo lalo na’t isa siyang ina na may dalawang anak na dahilan kung bakit siya patuloy na lumalaban sa pangyayari sa buhay niya!

Show comments