^

PSN Showbiz

Kimson Tan, bida sa Singaporean movie

Jun Nardo - Pilipino Star Ngayon
Kimson Tan, bida sa Singaporean movie
Kimson
STAR/ File

Singapore-bound ang Sparkle artist na si Kimson Tan.

Isa sa lead actors ng Singapore movie na King of Hawkers at ayon sa namahala sa pagpili ng cast, first choice si Kim para sa role.

Mas mahabang araw mananatili si Kim para sa duration ng shoot. Malaking tulong din ang pagiging fluent niya sa Mandarin language kaya napunta sa kanya ang role.

‘Yun nga lang, mukhang mas may matuutunan sa pagluluto ng food dahil bahagi ng pelikula ang mga paggawa ng Singapre food.

“Mga simpleng almusal lang ang alam ko. Pero hindi ko na alam ‘yung mas maraming proseso at kailangan gawin sa pagluluto,” sabi ni Kim sa mediacon niya.

Kung familiar sa inyo si Kim, ‘yun ay dahil napapanood siya sa GMA series na Mano Po Legacy: The Flower Sisters.

kyline at Mavy, reel pa lang

Wala pa sa in a relationship ang status nina Kyline Alcantara at Mavy Legaspi kahit na nga ang tawag sa kanila ay couple na, huh!

Pero sa looks ni Kyline nang makita namin siya sa launching niya bilang endorser ng beauty products na You Glow Babe, blooming na blooming siya.

“Lahat tayo ay dapat mag-glow. I’m inspired sa career ko. Bata pa po ako. R-E-E-L ang relationship namin ni Mavy at hindi real,” pahayag ni Kyline.

Aprubado ng fans ang loveteam ni Kyline kay Mavy. Hindi pa nga lang siya hinog makipagrelasyon…sa ngayon, huh!  

KIMSON TAN

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with